CHAPTER 3

28K 785 71
                                    

Shindy



Pagod na pagod kami ni Acien ng makarating kami sa bahay kaya ayun tulog agad siya, nangulit pa nga na bumalik doon next week kasi may Finals ang Car Race at kasali na naman si Isaac. Tsk, last na iyong kanina, hindi na kami mag kikita pa. Tama lang naman iyon.













"Ayaw mong gumawa tayo ng baby?" Pag lalambing ni Isaac pero tinawanan ko lang at kinurot ang pisnge niya,

"Hindi pa nga pwede, gusto ko pa maging sikat na Racer tsaka na tayo gumawa ng baby" Sabi ko naman, bigla siyang natahimik kaya nag taka naman ako

"Kaya ko naman mag hintay. Pag sikaw ka ng Racer, sikat na din ako niyan tapos mag papakasal tayo. Pag uusapan tayo ng buong mundo dahil ang sikat na Motor Racer at Car Racer ay ikakasal na. Diba baby? Pag tapos natin mag pakasal, gagawa tayo ng baby tapos gusto ko lalaki kasi tuturoan ko siya mag Race tapos pwede rin babae para astig" Natawa nalang ako at pabiro siyang sinampal sa pisnge niya

"Ang taas naman ng pangarap mo. Hindi ko maabot" Ngumuso naman siya at malambing akong hinalikan sa labi,

"Okay lang yan baby. Sabay natin aabotin iyan, ako-ikaw, mag kasama habang buhay" Ngumiti naman ako sa kanya. Hindi ko akalain na ang trip trip na ligawan ay mauuwi sa ganito.

"Promise ba yan?" Tanong ko at bigla naman tumango at hinalikan na ako sa labi na agad ko namang tinugon

















Napailing nalang ako at tumayo na para mag bihis dahil papasok pa ako sa bar mamayang eight PM.

Naligo lang ako saglit at nag bihis ng puting sando at itim na jogger pants. Nag suot din ako ng itim na rubber shoes bago ko kinuha ang helmet ko at susi ng motor.

Nilapitan ko si Acien na natutulog sa kama, hinalikan ko siya sa pisnge at tumayo na.

Pag labas ko ng sala ay nandoon na pala ang Lola ko, nag babasa ng Bible.

"La, alis na po ako. Tulog na po si Acien" Hindi ako pinansin ni Lola kaya hinayaan ko nalang. Sanay na ako sa ganyang trato ni Lola kaya lumabas na ako ng bahay at umangkas sa motor ko.











Isaac

"Wala ka bang iba na mape-perwesyo at ako ang ginugulo mo? Nakikipag laro ako kay Barbie eh" Sinamaan ko ng tingin si Lelantos at ang Barbie na hawak niya

"Makakahintay naman siguro ang laro mamaya Lelantos. Samahan mo ako sa Mens Club Bar ngayon" Binutones niya ang blue na long sleeve at kinuha ang Barbie niya sa coffee table

"Ano bang meron doon? May Tiger's Bar naman" Tumayo na kami at lumabas,

"Nakita ko si Shindy doon kahapon. Doon siguro nag tatrabaho" Natigilan si Lelantos kaya tumigil din ako sa pag lalakad at tinignan siya na nagulat pa

"Talaga? nandoon si Shindy? Ayos! astig pa naman ang babaeng iyon. Namiss ko siya ah! limang taon ko din siyang hindi nakita" Umiling nalang ako at pumasok na kami sa kotse ko, gusto talaga ni Lelantos si Shindy para sa akin na halos ipagdikit na kami lagi dati.

"Nag usap ba kayo? Mag babalikan kayo? Hiwalayan mo na si Stacey, ayaw ko sa kanya" Hindi na ako sumagot dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

Tiger 10: Isaac Felton (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon