CHAPTER 11

26.2K 702 21
                                    

Isaac

Hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin ni Shindy sa akin, nasa bahay na kami dahil pinayagan kami ni William na umuwi baka daw kasi makatulong ang pag uwi namin para matrigger ang alaala ni Shindy pag nakita ang bahay ko,

"Hindi ko alam nakalipat ka pala agad ng bahay. Kahapon lang nasa dulo ng village ang bahay mo tapos ngayon katabi na ang kay Lelantos" Ginulo ko ang buhok ko at nagpatuloy nalang sa paghihiwa ng gulay habang si Shindy naman ay naka upo sa bar counter malapit sa akin at masama ang tingin.

Si Acien naman, binilin ko muna kay Baxter dahil bumalik din si Nyle sa Placer. Buti nalang at hindi matigas ang ulo ni Acien na doon muna pansamantala,

"Ano hindi ka na makapagsalita Isaac? Masarap ba humalik si Stacey?" Binaba ko ang kutsilyo at humarap kay Shindy,

"Alam mo baby, hindi ko alam kung anong Shindy ang mas gusto ko. Iyong Shindy na walang amnesia pero mahirap lapitan o itong Shindy na may amnesia pero sobrang sungit" Nag taas siya ng kilay at tumayo tsaka siya nag lakad papunta sa akin,

"Nagugulohan pa rin talaga ako. Paano ako nag karoon ng selective amnesia?" Hinawakan ko ulit ang kutsilyo at pinagpatuloy ang ag hihiwa ko,

"Ewan ko sayo" Sabi ko nalang, sabi kasi ni William na hayaan kong siya mismo ang makaalala dahil bawal daw pilitin.

Maya maya pa ay nakita kong tumabi ni Shindy kaya natigil ako, kinuha niya ang kutsilyo sa kamay ko at hinila na din ang mga gulay na hinihiwa ko kaya nag taka ako sa kinilos niya,

"Ako na, naalala ko na hindi ka naman marunong mag luto" Ang kulit din naman ni Shindy. Limang taon na ang nakalipas kaya marunong na ako, pero hinayaan ko na. Pinagmasdan ko nalang siya habang nag hihiwa siya ng gulay.

Napalunok tuloy ako kasi ang sexy niya sa paningin ko, mula ulo hanggang paa ang ganda tikman-este tignan. Nakakabaliw.



Shindy

Nakakunot ang noo ko habang nag hahanda ng ingredients para sa lulutoin ko, hindi ko pa rin madigest sa utak ko na may selective amnesia ako sabi ni Dr. Dutch.

Imagine? 2018 na daw ngayon eh sa pagkakaalala ko 2013 pa naman, pero noong nakita ko ang calendar sa phone ni Isaac kanina doon ko naconfirm na 2018 na nga.

Napatigil ako sa pag kuha ng asin, may blurred images na nag flash sa utak ko.

"Mom, is that vegetables? I hate vegetables mom"

"Mom I want to be a famous racer someday"

"I love you mom"

Napapikit ako ng mariin at hinawakan ang ulo ko, ano ba yun? Bakit blurred?

"Baby, okay ka lang?" Sinamaan ko ng tingin si Isaac, makababy to parang walang nangyari ah. Ang kapal ng mukha!

"Tumigil ka Isaac kung ayaw mong masupalpal" Lumapit si Isaac sa akin kaya tumalikod ako sa kanya, akmang aalis ako para iwasan siya ay agad niyang nahawakan ang braso ako at hinila ako paharap sa kanya.

Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa kaya nahihirapan akong huminga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Nag baba siya ng tingin sa labi ko at ganoon din ako sa kanya.

Parang... parang may blurred scenes akong nakikita, ako at si Isaac. Nag hahalikan, sa kwarto at... at umuungol ako.

"Kanina pa ako nag titimpi sayo baby, pero sa tingin ko hindi ko na kayang pigilan pa" Nag angat ako ng tingin sa kanya at agad niya akong sinunggaban ng halik sa labi.

Tiger 10: Isaac Felton (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon