Shindy
Nag lalakad ako ngayon sa hallway ng Dutch Hospital papunta sa office ni Liezel, bibisita lang ako total nahatid ko naman na si Acien sa school niya at si Isaac naman ay natakasan ko sa company niya.
Nakukulitan na kasi ako, parang bata na takot maiwan ng nanay niya sa sobra kung makadikit. Bahala siya pag tapos ng meeting kung maabotan na wala na ako sa office, may Stacey naman siya. Gago.
"Oh my god, Shindy Domosmog is your name right?" Natigil ako sa pag lalakad at tinignan ang babaeng doctor na nakasalubong ko,
Maganda siya, maputi at medyo may katandaan sa akin ng kaonti.
"Oh, yeah that's me, have we met before?" Tanong ko at tinagilid ang ulo ko para makapagbalik tanaw kung nakita ko na ba siya pero hindi eh, wala akong maalala na nakasalamuha ko siya,
"I'm Dra. Breetina Beckham, an Obstetrician Gynecologist. Hindi mo ako kilala?" Tumingin ako sa gilid at pilit na inaalala pero hindi talaga, mag sasalita na sana ako pero biglang dumating ang mag pinsan na Bechkam.
Sila Lelantos at Brylle Beckham, wait. Beckham?
Tinignan ko agad ang babaeng kaharap ko, don't tell me mag pinsan silang tatlo?
"Brylle, Lelantos what are you two doing here?" Nabaling ang tingin ni Lelantos sa akin bago hinila ni Brylle ang babaeng Beckham.
"Excuse us, kakausapin ko lang ang ate ko" Oh? Ate iyon ni Brylle?
"Shindy, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Lelantos nang makaalis na ang magkapatid na si Breetina at Brylle
"Bibisitahin ko si Liezel, ikaw anong ginagawa mo dito?" Nag lakad na ako at sumabay naman siya sa akin,
"Sinamahan ko lang si insan na puntahan ang ate niya dito" Tumango tango ako at tumigil sa harap ng office ni Liezel
"Sige, papasok na ako Lan" Tumango siya kaya pumasok na ako sa loob. Naabotan ko si Liezel na nakakunot ang noo habang may binabasang document yata iyon sa laptop.
"Liezel" Nag angat siya ng tingin sa akin at tinanggal ang salamin sa mata,
"Oh buti napadalaw ka Shin, may binabasa akong report sa mga nag take ng insemination the last five years. Tama ang bilang pero kulang ang listahan ng pangalan" Lumapit ako sa kanya at tinignan ang screen ng laptop niya kung saan naka line ang mga pangalan ng nag take ng insemination.
"Kulang ng isa, bakit walang nakalagay na pangalan?" Tanong ko tapos umupo na ako sa lamapit na sofa, huminga ng malalim si Liezel at hinilot ang sintido niya.
"Nakakastress ang punyeta. Buti nalang talaga at last day ko na to kasi mag leleave ako hanggang sa manganak ako" Sumandal ako sa sofa at napaisip
"Paano kung magkabalikan kami ni Isaac?" Yan ang biglang lumabas sa bibig ko, naramdaman ko agad ang titig ni Liezel sa akin
"Okay lang, total kilala ko naman na siya. Magkaibigan sila ng asawa ko. Why not?" Umiling ako sa kanya, may Stacey siya. Iyong nangyari sa amin ay pilit kong binabaliwala pero pilit din na bumabalik sa utak ko.
Nakakabaliw na, gusto ko na tuloy sumuko at mag pahinga nalang. Iyong pahinga na walang Isaac, iyong pahinga na kami lang ng anak ko.
"Pero huwag mo pilitin ang sarili mo kung ayaw mo na talaga sa kanya" Iyon na nga eh, feeling ko bumabalik ang dating feelings ko para kay Isaac. Sa mga araw na nakikita ko ay nababalikan ko ang mga nangayari sa amin dati.
BINABASA MO ANG
Tiger 10: Isaac Felton (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Isaac Felton really loves a girl with a coca cola body, proud breast and big butty. He's well gentleman with a hidden beast inside him, he's not a posses...