CHAPTER 12

24K 644 23
                                    

Shindy

Pagkagising ko ay nasa kama na ako ni Isaac at may papel sa bedside table kaya kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat.

Baby, may aasikasohin lang ako sandali uuwi din ako pag tapos nito. I love you!

Mas nakakakilig sana ang sulat kung english. Kaso bobo siya sa English. Natawa ako sa iniisip ko at tumayo na, nakablue long sleeve at naka panty lang ako, okay lang kasi ako lang naman mag isa sa bahay niya.

Lumabas ako ng kwarto at nag lakad sa hallway nitong bahay, habang nag lalakad ako ay may nag faflash na senaryo sa utak ko.

Ako, nag lalakad habang naririnig ko ang malakas na ulan at tawanan galing sa isang bata at kay Isaac.

Tumigil ako sa pag lalakad at hinawakan ang ulo ko, pumikit akong mariin at pilit kong inaalala ang lahat pero sumakit lang ang ulo ko kaya hinayaan ko na.

Kahit gusto ko ng makaalala ay wala namang nangyayari pag pinipilit ko kaya hihintayin ko nalang na bumalik ang lahat. Pero bakit tuwing may nag faflash ay laging may bata? Sino ba iyong bata?

"Isaac!" Kumunot ang noo ko ng makarinig ako na may babaeng sinigaw ang pangalan ni Isaac, nag lakad ako pababa sa hagdan at doon naabotan ko si Stacey sa sala,

"Shindy?" Gulat na sabi niya, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nanatili akong tahimik sa harapan niya,

"Great! So ngayon babalik ka nalang ng ganoon kadali? Ako ang nasa tabi ni Isaac noong mga panahong wala ka!" Kumunot ang noo ko, okay may amnesia ako kaya hindi ko alam ang sinasabi niya.

"Nagpakalayo layo na ka na diba? Kayo ng anak mo! Bakit bumalik ka pa!" Mas lalo akong nagulohan sa sinabi niya, anak? May anak ako?

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Stacey" Sarkastiko siyang tumawa at nilapitan ako

"Oh? talaga? nabagok ba ulo mo? naalog ba utak mo para makalimotan mo? Ipapaalala ko sayo!" Nanatili akong nakatayo habang dinuduro niya ako sa noo, hinayaan ko siya.

"Five years ago, inakit ko si Isaac. Iniwan mo siya at lumayo ka, naging akin si Isaac at ginawa ko lahat para lang huwag ka na niyang hanapin pa! Gumawa ako ng sulat, sinabi kong hindi mo siya minahal at hinding hindi mo siya mamahalin. Bright idea right?" Tumalim ang tingin ko sa kanya, kahit wala akong naaalala ay nabuhay ang galit ko dahil sa pinagsasabi niya,

"So inakit mo talaga siya? Umaamin ka na malandi ka?" Parang nataohan naman siya at umtras pero matapang pa rin ang tingin niya, ganoon din ako.

"Ano naman ngayon? Naagaw ko si Isaac sayo Shindy, tanggapin mo nalang at umalis ka na ulit sa buhay niya!" Isang malakas na sampal ang ginawad ko sa kanya, natigilan siya at hinawakan ang pisnge niya

"How dare you!" Akmang sasampalin niya ako ay sinangga ko ang pulsohan niya at hinigpitan ang hawak doon kaya napangiwi siya,

"How dare you too!" Sinampal ko siya gamit ang kabilang kamay ko at tinulak siya, napaupo siya sa sahig at sobrang sama ng tingin sa akin.

"Alam mo, dapat sayo mamatay!" Mabilis siyang tumayo at hinila ang buhok ko, masakit pero hinila ko rin ang buhok niya. Tinulak niya ako kaya nawalan ako ng balanse dahilan para matumba ako.

Kinuha niya iyong pagkakataon para daganan ako at sabunotan, hindi ako nag patalo, gumanti ako kahit lugi ako. Hinila ko ng malakas ang buhok niya at kumuha ng lakas doon para pag palitin ang pwesto naming dalawa.

Ako naman ngayon ang nasa ibabaw niya at pinagsasampal siya,

"Ang kapal naman ng mukha mo Stacey! Mang-aagaw!" Tinulak niya ako at parehi na kaming nakaupo ngayon, magulo ang buhok at masama ang tingin sa isa't isa.

"At least hindi ko siya iniwan! Simula noong umalis ka, akin na si Isaac!" Sabay kaming tumayo at nag samaan ng tingin,

"Ito ang tandaan mo Stacey, simula pa lang akin na si Isaac. Walang sayo dahil mang-aagaw ka!" Akmang sasampalin niya ako ay natigil siya at napako ang tingin niya sa likoran ko, lumingon ako doon at nakita ko si Isaac.

"Ano to?!" Lumapit agad si Stacey sa kanya at humawak sa braso niya, malandi!

"Babe! She's hurting me! Sinaktan niya ako! See this? Siya ang may gawa nito!" Natawa ako sa sinabi ni Isaac kaya nabaling ang tingin nilang dalawa sa akin,

"Ngayon Isaac, papipiliin kita. Siya o ako? Mamili ka" Lakas loob na tanong ko kahit ang totoo ay natatakot at kinakabahan ako na si Stacey ang pipiliin niya,

Nakita kong tinanggal ni Isaac ang kamay ni Stacey sa braso niya at lumapit sa akin,

"Seyempre baby, ikaw ang pipiliin ko" Hinawakan niya ako sa pisnge at hinalikan ako sa noo,

"Isaac! Paano ako? Hindi naman kita iniwan sa limang taon na nag daan! Bakit siya pa rin?!" Lumingon si Isaac kay Stacey,

"Umalis ka na dito Stacey, hindi kita pinilit na samahan ako. Ikaw ang laging lumalapit sa akin" Tinuro ako ni Stacey habang nanginginig ang kamay niya,

"Hindi pa tayo tapos! Babalikan kita!" Tapos ay nag madali na siyang umalis sa bahay, humarap ako kay Isaac dahil may isang tanong ako na dapat niyang masagot.

"May anak ba ako?" Mukhang hindi inaasahan ni Isaac ang tanong ko dahil nagulat siya,

"Baby, anak nating dalawa" Umawang labi ko sa sinabi niya, kami? May anak? Paano?

"Paano? Kailan?" iyan ang lumabas sa bibig ko habang nakatitig ako sa kanya,

"Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag baby, pero totoo na may anak tayong dalawa" Hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya iyon sa labi niya at hinalikan,

"Nasaan siya? Anong pangalan niya?" Ngumiti si Isaac sa akin at hinalikan ako ng mabilis sa labi,

"Binilin ko muna siya sa kaibigan ko, naisip ko kasi na baka mastress ka kung pipilitin mong bumalik ang alaala mo at Acien ang pangalan niya" Kaya pala, kaya pala parang may kulang nang magising ako kasi may anak ako-kami ni Isaac,

Natigil kaming dalawa dahil sa pag tunog ng phone ni Isaac kaya agad niyang sinagot,

"Ano ba ang kailangan mo?" Wala man lang hello? Sama ng ugali,

"Ano?! Sige sige pupunta ako diyan" Binaba niya ang phone at humarap sa akin,

"Babe kailangan ko pumunta sa Placer, nasugod sa hospital ang kaibigan ko. Gusto mo sumama?" Umiling ako kay Isaac,

"Hindi na, mukhang importante yan kaya ikaw nalang. Maiiwan nalang ako dito. Kailan ka uuwi?" Tinignan niya ang phone niya at humarap ulit sa akin,

"Bukas pa ako makakauwi kaya sumama ka nalang" Umiling ulit ako, dahil kaibigan yun ni Isaac at nakakahiya naman kung sasama pa ako.

"Hindi na, ikaw na talaga"

Walang nagawa si Isaac, umalis siyang mag isa papunta sa Placer para puntahan ang kaibigan niyang nasa hospital. Sabi niya Nyle daw ang pangalan.

Napaupo ako sa sofa dahil nakaramdam ako na parang mabibiyak ang ulo ko sa sakit.

"A-aray! aaaray!" Mariin akong pumikit at sobrang daming senaryo ang nagsipasokan sa isip ko.

Sobrang dami, parang... parang may naaalala na ako!

#Last3Chapters
#StaceyVsShindy

FYI: Name pronouncement
Isaac - Aysaac
Acien - Eyshin

Good Afternoon!

Tiger 10: Isaac Felton (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon