Shindy
Nag lalakad ako sa gilid ng kalsada at walang pakialam sa nakapaligid sa akin. Wala din akong pakialam kung may makabangga sa akin dito,
Ang sakit lang kasi, ang sakit na pinagpalit ka ng taong mahal mo eh sa kaibigan mo pa.
"Shindy! Shindy!" Napalingon ako sa likod dahil narinig kong may tumatawag sa pangalan ko. Si Lelantos.
"Oh Lelantos?" Hingal na hingal siyang tumigil sa harap ko at hinawakan ako sa siko at ang isang kamay niya naman ay may hawak na Barbie, as usual.
"Wanna have coffee with me?" Eh? Natigilan ako sandali pero agad niya akong hinila
"Huwag ka na mag isip. Libre ko naman" Marahan nalang akong tumango at nagpahila nalang sa kanya papasok sa isang mamahaling coffee shop
Nag order siya at nag simula na kaming kumain ng chocolate cake na order niya kasama ang coffee.
"I'm very sorry sa nangyari sa inyo ni Isaac. Sayang, gusto pa naman sana kita para sa bestfriend ko" Umiling ako at nag simula ng tumulo ang luha ko kaya yumuko nalang ako at tinusok tusok ang cake gamit ang tinidor
"It's okay. Don't feel sorry Lan. Siguro hindi talaga kami para sa isa't isa, siguro pinagtagpo lang kami ni Isaac pero hindi naman kami tinadhana" Nag angat ako ng tingin kay Lelantos dahil hinila niya ang upoan niya at itinabi sa akin tsaka siya umupo doon at ngumiti,
"Love takes time Shindy. Hindi agad nararamdaman yan, sabihin na nating experience lang si Isaac para sayo dahil first boyfriend mo naman siya. Experience na may aral Shindy" Nakinig ako kay Lelantos dahil sa mga sinabi niya
"May aral kasi hindi mo malalaman na mahal mo pala siya kung hindi mo sinubokan. Oo hindi man kayo para sa isa't isa at least alam mo sa sarili mo na kaya mong mag mahal. Na nagmamahal ka" Matapos niyang sabihin iyon ay hinayaan niya akong umiyak sa kanya.
Hinayaan niya akong umiyak sa mga balikat niya at dinamayan niya ako, hanggang sa isang buwan na ang lumipas ay hindi ko na siya nakita pa pati na rin si Isaac. Wala na akong balita sa mag bestfriend pero nag patuloy pa rin ang buhay ko dahil sa mga pangarap ko.
Pangarap na hindi ko na pweding makamtan matapos ang isang buwan noong nagkausap kami ni Lelantos sa coffee shop.
"La, buntis po ako" Nanginginig kong sabi sa lola ko na nag babasa ng Bible sa sala,
"Sino ang ama ng batang dinadala mo?" Doon ako napaiyak, napaiyak ako kasi walang tatay na maipapakilala sa anak ko.
Nabuntis ako ng tindi ko alam, nabuntis ako na hindi ko naman maalala kung sino ang ama at kung paano ako nabuntis.
Nagpacheck up ako sa kaibigan kong si Liezel at nalaman namin na virgin pa ako, iyon ang mas lalong nagpagulo ng lahat. Vigrin ako pero buntis ako, buntis ako sa batang hindi ko kilala ang ama.
Dumaan ang ilang buwan at oras na para manganak ko. Naging mahirap ang lahat dahil high blood ako at maaari kong ikamatay ang panganganak dahil mauubosan ako ng dugo pag pinilit kong gawing normal ang panganganak ko.
Mabuti nalang at hindi ako pinabayaan ni Liziel, ginawa niya ang lahat para maisalba kami ng anak ko. Kami ni Acien.'
"Hoy Shindy ah, nakakapunyeta ka. Kasal ko tapos ang tahimik mo diyan" Nabaling ang tingin ko kay Liziel na nasa tabi ko pala at may dalang baso ng wine, inabot niya sa akin iyon at tumabi ng upo.
BINABASA MO ANG
Tiger 10: Isaac Felton (COMPLETED)
Narrativa generaleWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Isaac Felton really loves a girl with a coca cola body, proud breast and big butty. He's well gentleman with a hidden beast inside him, he's not a posses...