CHAPTER 13

24K 657 31
                                    

Shindy

Lumabas ako ng bahay, nakabihis na ako pero wala akong tsinelas. Naalala ko na lahat at nag aalala ako kay Acien, kailangan ko siyang puntahan sa bahay ng kaibigan ni Isaac

Isasarado ko na sana ang gate ng biglang may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko, pinipilit kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil sa kamay na nasa bibig ko.

Hinila ako ng taong nasa likod ko papunta sa puting van at pinapasok ako, pag dating sa loob ay pinaamoy ako sa panyo dahilan para mawalan ako ng malay.

Isaac

Kalalapag lang ng helicopter na gamit namin ni Daniel papunta dito sa Dutch Hospital Placer, dito dinala si Nyle.

"Hindi talaga titigil ang weirdong 'yun hanggat hindi siya namamatay" Sabi ni Daniel habang nag lalakad kami sa hallway ng hospital,

"Pinatigil ko na nga siya noong isang buwan eh, ayaw talaga paawat" Sabi ko naman sa kanya, nakita kong napapailing siya at sabay kaming pumasok sa room na kinalalagyan ni Nyle

"Nyle, buti buhay ka pa?" Umupo ako sa sofa at hinayaan si Daniel na kausapin si Nyle,

"Buti nga eh, malay mo makita ko pa siguro mga apo ko" Umiling ako sa sinabi ni Nyle, delikado na nga buhay niya nakuha pang mag biro. Weirdo talaga.

"Ako nalang kaya papatay sayo" Sabay kaming napatingin sa kakapasok lang na si Shaina, asawa ni William,

"Alam mo, hindi ko talaga alam kung Psychologist ka o Surgeon eh" Natatawang sabi ko dahil minsan siya gumagawa ng surgery tapos minsan makikita ko na may kausap na pasensyenteng may psychological problem.

"Ikaw na bahala kung alin sa dalawa, basta doctor ako" Natawa kami ni Daniel maliban kay Nyle na hindi makagalaw dahil sa dami ng benda sa katawan. Nakasabit pa ang kanang paa.

"Nga pala Isaac, ito 'yung engagement ring na pinabili mo kay William. Bullshit mag popropose ka na pala!" Nakangiti kong tinanggap ang Engagement ring at tinignan iyon.

"Thanks" Sabi ko nalang.

Pag uwi ko gusto kong malagay na sa tahimik kasama si Shindy at Acien, gusto ko silang makasama hanggang sa pagtanda ko.

Ngumiti ako at tinago sa bulsa ang engagement ring.

"Kamusta nga pala kayo ng girlfriend mo Isaac? Wala ka kasing nakukwento" Nakangiti pa rin ako ngayon at tinignan ko naman si Daniel

"Masaya kami" Naiiling si Daniel at umupo sa tabi ko.

"May kasabihan diba na pagkatapos ng ngiti at saya ay lungkot at iyak" Kumunot naman ang noo ko,

"Oh? Tapos?" Para akong kinabahan bigla sa sinabi ni Daniel,

"Kanina ka pa kasi nakangiti" Napakurap ako at tumikhim.

"Ganoon ba iyon?" Hindi ko alam, ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang kaba sa buhay ko.

Kahit naman dati na sasalang ako sa racing ay hindi ako kinakabahan, pero ngayon na nakaupo lang ako ay kinakabahan ako.



Shindy

Nagising ako sa loob ng sasakyan na umaandar, nandito ako sa backseat. Nakatali ang mga paa at kamay ko kaya pinilit ko lang makatayo at silipin ang nag mamaneho.

Laking gulat ko ng makitang si Stacey ang nasa driver's seat. Nakangisi siya at may suot na shades.

"Oh hello there my dear friend! How's your sleep?" Kinakabahan akong tumingin sa tinatahak naming daan at nakita kong papalapit kami sa may pampang,

"Stacey! Stop the car! Ano bang iniisip mo?!" Nahihirapan ako dahil nakatali sa likod ang mga kamay ko at hindi ko mapigilan ang mga kamay niya!

God help me!

"Ayaw ko nga, bakit ko naman gagawin? Kung ayaw ni Isaac sa akin, puwes mamatay tayong dalawa!" Bumilis ang takbo ng sasakyan kaya nag panic ako, lumingon ako sa likod ko at sa paligid bakasakaling may makita akong matalim na bagay para matanggal ang tali.

Saktong may nakita akong basag na parte ng bintana dahil mukhang luma na itong sasakyan, pumwesto ako sa upoan at ikiniskis ang tabi sa basag na salamin.

Napangiwi pa ako dahil ramdam kong nadali ang kamay ko sa basag na salamin, maya maya pa ay kumalas na ang tali kaya nag madali akong lumapit sa front seat para pigilan si Stacey.

"Stacey! Nababaliw ka na ba?!" Hinawakan ko ang manebela at iniba ang dereksyon pero pilit na binabalik ni Stacey sa daan papunta sa pampang.

"Oo! nababaliw na ako! Isasama kita sa hukay!" Nagpagewang gewang ang sasakyang at napapikit nalang ako ng malapit na kami sa pampang.

Ramdam ko ang pagkahulog ng sasakyan, sobrang bilis ng pangyayari at nahulog ang sasakyan sa dagat at dahil basag ang iilang salamin ng bintana ay mabilis na pumasok ang tubig.

Pinigilan ko ang hininga ko at binuksan ang pinto ng kotse, akmang lalangoy na ako ay hinawakan ni Stacey ang paa ko at hinila pabalik sa loob.

Lumingon ako sa kanya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa paa ko, hinawakan niya naman agad ang buhok ko kaya pilit ko ring inaalis iyon.

Nararamdaman ko na malapit na akong mawalan ng hangin kaya lakas loob kong hinaklit ang braso ni Stacey, lumangoy ako at hindi ko inaasahan na masusundan niya ako at hinawakan ako sa damit tsaka ako hinila pabalik.

Diyos ko, kung dito na ako mamamatay sana naman may makakita sa bangkay ko. Sana may makakita sa amin.

Huling hila ni Stacey ay sumuko na ako, umawang ang bibig ko dahil nawawalan na ako ng hangin at nanlalabo na ang mga mata ko.

Sa pag pikit ng mga mata ko, si Isaac at Acien ang nakikita ko.

Masaya sila, nag tatawanan, nag hahabolan sa gitna ng ulan, masayang mukha nila ang nakikita ko. Masayang mukha na sa tingin ko'y hindi ko na makikita kailan man.

Isaac, mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ng anak natin, kahit hindi ka man niya kasama sa paglaki alam kong matatanggap ka niya at mamahalin ka niya ng buong buo.

Dati, nangarap tayo na maging sikat na Racers, nangarap tayo ng kasal at nangarap din na magkaanak. Masaya, malungkot at nakakaiyak. Lahat ng iyan napagdaanan natin, hindi man tayo magkasama sa mga panahon na iyon ay lagi kitang iniisip.

May sumpaan tayo noon diba?

Mamatay man ang isa sa atin, mamahalin pa rin natin ang isa't isa magpakailan man. Habang buhay.

Kung totoo man ang sinasabi nila na lahat ng tao ay may apat na buhay, hihilingin ko sa diyos na sana sa susunod na buhay ko ay ikaw pa rin ang matagpoan ko. Sa susunod na buhay ko, makakabuo tayo ng isang Acien.

At kung ito na ang huling buhay ko, luluhod ako sa diyos at mag mamakaawang makatagpo ka ng babaeng hindi ka iiwan, iyong babaeng kaya kang mahalin pati na rin ang anak natin.

Mahal na mahal kita Isaac, mahal na mahal ko kayo ni Acien. Patawad. Paalam.

#Sorry
#Paalam
#Abangan

Tiger 10: Isaac Felton (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon