Isaac
Nakaupo ako sa gitna ng isang harden, nakita ko ang isang babae na naglalakad papunta sa akin.
"Isaac, andito ka lang pala. Hinanap kita kanina ah." Hindi ako nakasagot. Tinignan ko lang siya, umupo siya sa tabi ko at ngumiti nang makatingin sa akin.
"I miss you, Isaac. Walang araw na hindi kita namimiss." Inangat ko ang kamay ko at hinawakan siya sa pisnge, ngumiti ako at ibinaba ang daliri ko sa mga labi niya.
"Namiss din kita Shindy. Sobra, sa sobrang pagkamiss ay gusto ko ng sumama sayo." Hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap.
"Isaac mahal na mahal kita. Tandaan mo iyan." Hinalikan ko siya sa noo ng paulit-ulit.
"Alam ko. Mahal na mahal din kita." Inilayo ko siya sa akin at mabilis na hinalikan sa kanyang mga labi.
"Dad? Dad?!" Nagising ako bigla dahil sa pagtawag ng anak ko sa akin. Umupo ako at isinuot ang salamin sa mata.
"Dad naman. Ilang beses ko sinabi sayo na huwag kang matutulog dito sa sofa. Magkakasakit ka niyan. Tara na ihatid kita sa kwarto mo." Huminga ako ng malalim at tumayo na. Inalalayan ako ng anak ko paakyat sa kwarto ko.
"Acien, kamusta ang araw mo." Biglang tanong ko sa kanya nang makaupo ako sa kama ko.
"Maayos naman dad, medyo busy lang sa company but I can still manage." Nilingon niya ang litrato sa mesang katabi ng kama ko at tumawa ng mahina.
"I just realized, wala tayong family picture with mom." Tinignan ko rin ang litrato. Si Shindy iyon na nakangiti kasama si Acien noong bata pa siya.
"By the way dad. Happy Valentine's Day, I love you." Niyakap ako ni Acien at yumakap naman ako pabalik.
"Mahal din kita, Acien."
#ValentineSpecial
#ShindyAndIsaac
BINABASA MO ANG
Tiger 10: Isaac Felton (COMPLETED)
Ficção GeralWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Isaac Felton really loves a girl with a coca cola body, proud breast and big butty. He's well gentleman with a hidden beast inside him, he's not a posses...