Chapter 5.

28 0 0
                                    

Chapter 5. Sa chapter po na ito makikilala natin ng konti ni Brooke. :)

Mr. Ferdinand Alvarez at Mrs. Anastacia San Jose-Alvarez ----->

--

Paggising ni Volkner, tumawag ulit ang kanyang magulang. Kinumusta siya ng mga ito. Sandali lang sila nakapag-usap dahil marami pa raw lalabhan ang kanyang nanay.

Pagkabihis ni Volkner, nagpaalam na siya sa kanyang landlord at dumiretso na papasok.

Pagdating niya ng university, sinalubong siya ni Marie.

“Hi, Volkner.” Bati niya.

Pumasok na silang dalawa ng classroom. Nandoon na ang tatlo pa nilang kaibigan na sila D.O., Shiro, at Angel. Nagkukwentuhan ang tatlo tungkol sa kani-kanilang mga partner sa Physics.

“Hindi talaga ako sinipot ni Trianne. Ang adik niya, dude. Bahala siya. Gumawa siya ng sarili niya. Gagawa ako ng sa akin.” Banggit ni Shiro.

“Eh kami nga eh, nandoon nga si Hershey, wala namang ginawa kundi manood ng Two Broke Girls sa phone niya.” Banggit ni Angel.

“At hindi lang yun, pre.” Singit ni D.O. “Alam mo ba? Maya’t-maya may tanong iyon sa mga sinasabi nung mga characters.” Dagdag nito.

“English kasi. Bobo amp. Manunuod-nood ng comedy na English, hindi naman pala nakakaintindi.” Komento ni Angel.

Tiningnan naman nilang lahat si Marie.

“Ikaw, Marie? Kumusta si GB?” Tanong ni Angel.

“Wala naman. Okay lang siya.” Sagot ni Marie.

Tiningnan lang siya ng tatlo.

Natapos na ang mga nauna nilang klase. Naipasa na rin ni Volkner ang homework ni Brooke kay Ms. Peñafiel. Lunch break na. Nag-stay sila sa puno ng narra sa kanto ng garden, ang kanilang paboritong tambayan. Doon na sila kakain.

“Alam niyo, guys, feeling ko talaga may rason kung bakit tayo pinartner doon sa mga kupal na iyon eh.” Singit ni Angel.

“Ako din eh. May hinala ako sa mga teachers natin ngayon.” Sagot naman ni D.O.

“Oo nga, guys. Pakiramdam ko, may pinapahiwatig talaga sila.” Singit ni Shiro.

“Ano naman iyon, sa tingin ninyo?” Tanong ni Volkner sa tatlo.

“Feeling ko, gusto nilang pabagsakin yung mga yun.” Sabi ni Angel. “I mean, think about it. Parang sila na rin kasi ang namamahala sa university. They use their money to manipulate the principal, and some of the teachers as well.” Dagdag niya.

“Not to mention how Brooke bullies EVERYONE.” Singit ni Shiro.

“Yeah. Hindi naman porke’t sila yung pinakamayaman sa school eh ganoon na nila tayo tatratuhin.” Banggit ni D.O.

“Tingnan mo nga si Marie oh. Tropa naman nung nanay niya yung nanay ni Brooke eh. Isa din naman siya sa pinakamayayaman dito, and she stays on the ground. Si Manuel, si PJ. Unlike those bitches.” Banggit pa ni Angel.

“So, ganito gawin natin.” Dagdag ni Angel. “Since lahat naman tayo ay madalas ng makakasalamuha ang mga iyon, then let’s burn their dignity.”

“Parang ang harsh naman nun, Angel.” Banggit ni Shiro.

“Hindi. Ganito lang. Let’s go all ‘Mean Girls’ on them.” Paliwanag ni Angel.

Revamp The School's Biggest B**ch (Revising..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon