Chapter 25.

7 0 0
                                    

Chapter 25. :)

--

Tahimik na dumating sina Volkner at Brooke sa dorm.

Nagluto si Volkner ng hapunan; Si Brooke nama’y agad na humiga sa higaan at natulog na. Pinuntahan pa ni Volkner si Brooke sa kwarto, ngunit nang makitang siya ay tulog na, hindi na niya ito ginising.

Nag-iwan na lang ng pagkain si Volkner sa sidedrawer na katabi ni Brooke at may kasamang note.

Kainin mo kaagad bago pa dagain. – V

Paggising ni Volkner ng umaga, pumunta siya sa kwartong tinutulugan ni Brooke. Titingnan lang ni Volkner ang pagkain na kanyang iniwan kay Brooke. Wala na ang plato doon. Ang nakalagay na lamang ay isang note.

Kinain ko na ang pagkain. Salamat. – Daga

Napangiti si Volkner at agad ng naghanda para pumasok.

“Ganoon ba?” Reaksyon ni Gertrude sa naikwento ni Volkner. “But, is she okay now?” Tanong niya.

“I guess.” Sagot ni Volkner.

Ngumiti naman si Gertrude. “Well, there’s no use in us contemplating about it. Knowing Brooke, mas gugustuhin niyang malutasan ang problema niya mag-isa.”

Napaisip si Volkner.

“Alam mo, every time na nag-uusap tayo kay Brooke, lagi kang napapaisip.” Pansin ni Gertrude. Ngumiti siya. “Anyway, she has always been like that, trying to be all independent.” Napakagat si Gertrude sa kanyang lower lip. “Whatever it is, alam kong kakayanin niya iyon.”

“Let’s have faith in her.” Nakangiting banggit ni Volkner.

Napangiti si Gertrude sa narinig. “I’m really glad she has you.” Banggit niya.

Naghiwalay na ang dalawa at nagpuntahan na sa kani-kanilang mga kaibigan.

“Naka-ilang araw na tayo ng February, hindi pa rin pumapasok si Shiro.” Tanong ni D.O. habang may hamburger sa bibig.

“May pinagdadaanan lang siguro iyong tao, kaya ganoon.” Sagot ni Marie. “Oo nga pala, Volkner. Ano pala ang nangyari sa inyo kahapon ni Brooke?”

Napatingin sina D.O. at Angel kay Volkner.

“You seem to be taking care of her well, despite how she is with everybody.” Banggit ni D.O. Napatingin sa kanya sina Marie at Angel. Nagkibit-balikat lang si Volkner.

Pag-uwi ni Volkner, lumapit siya kay Brooke at nagbigay ng notes nila ng araw na iyon. Binasa ito ni Brooke at pumasok na ng kwarto.

Bumaba naman agad si Volkner para tumulong sa eatery ni Mang Apple. Pakatapos dito’y umakyat siyang may dala-dalang champorado na luto ni Mang Apple.

Kumain na sina Volkner at Brooke ng champorado.

Pagkatapos ay naghugas na si Volkner ng kanilang pinagkainan.

“You still don’t want to talk about it?” Tanong ni Volkner habang nanonood silang dalawa ng MTV. Umiling lang si Brooke. “Okay.” Tanging sagot ni Volkner. Ngumiti siya. “Ayoko na rin magtanong. Baka kasi mang-yakap ka ulit.” Biro niya.

Napalingon sa kanya si Brooke at nagbigay ng Seryoso ka ba? na tingin. Pinag-ikutan niya ng mata si Volkner.

Pagdating ni Volkner sa gate, nakita niya si Shiro. Nakayuko, at tila may malalim na iniisip.

“Shiro!” Tawag ni Volkner. Nilingon siya ni Shiro at ngumiti.

“Uy, Volkner!” Pansin ni Shiro kay Volkner sabay apir.

“Tagal mong ‘di pumasok, ah.”

“Ah. Busy lang sa.. bahay. Busy lang sa bahay.” Sagot ni Shiro na nakangiti.

Ramdam ni Volkner ang pag-aalala sa ngiti ni Shiro. Hindi na lang siya nagtanong pa.

Pagdating nila sa klase ay naupo na silang dalawa. Nagbukas si Volkner ng isang libro at nagbasa. Nagtanung-tanong naman sila D.O. kay Shiro kung ano ang nangyayari sa kanya.

“Oo nga pala, Shiro.” Tawag pansin ni Marie. “May kinalaman ka ba kung bakit absent si Trianne?”

Napayuko ng bahagya si Shiro. “W-Wala.“ Sa pagkasabi niya niyon ay sabay na nawala ang ngiti sa kanyang mukha.

Napansin ito ni Volkner. Umiwas na lang siya ng tingin.

Biglang lumapit si PJ kay Marie at nagtanong kung pwede ba siyang makausap ng pribado. Pumayag naman si Marie.

Sabay ng pag-alis ni Marie ay biglang nag-vibrate ang phone ni Volkner. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy na lang sa pagbabasa.

Nagr-ring na ang bell. Nakabalik na rin sina Marie at PJ. Nagsimula na ang klase nang makarating si Ms. Peñafiel.

Lumapit si Hershey kay D.O. pagdating ng morning break. Niyaya niya itong kumain. Tumayo naman si Angel ng padabog at agad na umalis.

“Tara na, Demi.” Banggit ni Hershey bago pa makalayo si Angel.

Nahuli lang ng labas si Volkner. Nag-rewrite siya ng notes sa isang intermediate paper para ibigay it okay Brooke mamaya. Bago pa siya lumabas tumayo si Shiro at nagpaalam sa kanya na uuwi na siya.

“Bakit naman?” Tanong ni Volkner.

“Emergency lang, dude. Ikaw na bahala dito, ha? Sige.” Nagmamadaling sinabi ni Shiro at umalis.

Tumayo si Volkner at lumabas ng pintuan. Bigla niyang naka-salubong si D.O.

“Oh. Akala ko ba kasama mo si Hershey kumain?” Pansin ni Volkner.

“Oo, dude. Pero, umalis siya bigla habang nakapila ako sa canteen.” Sagot ni D.O.

Naglakas silang dalawa papunta sa hall at nakakita ng kumpulan ng estudyante. Pinuntahan nila ito at nakitang magkaharap sina Hershey at Angel. 

Revamp The School's Biggest B**ch (Revising..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon