Chapter 16.

19 0 0
                                    

Chapter 16. :)

--

Una nilang pinuntahan ay ang stall ng Samsung. Bumitaw na si Brooke kay Volkner. Tumingin-tingin sila ng phone.

“Hoy, V.” Tawag ni Brooke kay Volkner na nakikinuod kina Angel na naglalaro ng Temple Run 2 sa isang display ng Samsung Galaxy S5.

Lumapit sa kanya si Volkner. “Oh?”

“Maganda ba ‘tong phone na ‘to?” Turo ni Brooke sa isang phone na naghahalagang P7,499.

Binasa ni Volkner ang specs. “Maganda naman. Maganda processor niya, mataas naman capacity ng memory.” Sagot ni Volkner. “Bibili ka ba?” Tanong niya.

“Malamang.” Sagot ni Brooke.

“Ba’t bibili ka pa eh ang ganda na ng phone mo?”

“Are you that empty-headed, V?! Bibilhan kita.” Sagot ni Brooke ng inis. Napaatras at nakataas ang kilay na tinanong ni Volkner. “What?” Tanong ni Brooke ng nakataas ang isang kilay.

Umiling si Volkner at lumabas. Hinabol naman siya ni Brooke. Napatingin sa kanya sila Marie, bukod kay D.O. na kasalukyang naglalaro.

“Ano ba, V?!” Tanong ni Brooke nang nasa labas na sila.

“Hindi na ako natutuwa, Brooke.” Inis na sagot ni Volkner.

“Saan?”

“Sa ginagawa mo!”

“And why?”

“Kasi..”

“Kasi ano?” Tanong ni Brooke na nakataas ang isang kilay.

Napabuntong-hininga si Volkner.

Lumingon si Brooke.  Huminga siya ng malalim. “I’m doing this for your mom.” Mahinang sagot ni Brooke. “Bibilhan kita ng phone para ma-contact ka na nila. 2 days ka na nilang hindi nakakausap, ‘di ba? Ni hindi nga nila alam kung nakauwi ka na ba o hindi.” Sinabi niya ng hindi naka-diretso ang tingin kay Volkner.

Napaharap sa kanya si Volkner. Yumuko, pumikit, at napabuntong-hininga. Umiling siya. “Anong kapalit?” Tanong ni Volkner.

“Walang kapalit.” Sagot ni Brooke, naiinis.

“Ayokong binibigyan lang ako. Gusto ko-“

“Na pinaghihirapan mo mga nakukuha mo. I know. I know.” Singit ni Brooke na umikot ang mata at napailing. “Take this as.. payment.”

“For?”

“Tutoring me..”

“Brooke..” Tawag ni Volkner. “Hindi ko kailangan ng phone. Mas kakailanganin ko iyong-“

“Pera? For your expenses? Bukod ‘to doon.” Sagot ni Brooke.

Napanganga si Volkner. Ano na naman bang iniisip ng babaeng ‘to? Naisip niya. Napailing siya.

“Ano? Gusto mo bang makausap ang magulang mo o hindi?” Inis nang tinanong ni Brooke. “We’re wasting time here.”

“Gusto..”

“Oh, edi pumasok na tayo!” Tumalikod si Brooke.

“Sandali!” Tawag ni Volkner. Humarap sa kanya si Brooke. Iniwas ni Volkner ang tingin niya. “Kung bibilhan mo ako.. as a gift.. eh.. uhh.. iyong mura na lang.”

Revamp The School's Biggest B**ch (Revising..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon