Chapter 9. :) Kaunting background lang po kay Volkner at Brooke.
--
Paglabas nila ng 7-Eleven, may lumapit sa kanilang babae. Mga edad 40 pataas ang itsura.
“Contraceptives po, ma’am, sir?” Tanong ng babae.
Nagkatinginan lang sina Volkner at Brooke.
“We’re not going to engage in sexual activities, ate. The guy I’m with is gay.” Sabi ni Brooke na tumingin ng diretso sa babae.
Napatingin naman sa kanya si Volkner at napa-nganga. Pinag-ikutan ng mata ni Brooke ang babae at inirapan.
Sungit. Mukhang malandi naman. Rinig nila Volkner na sinabi ng babae. Tumalikod si Brooke. Hinawakan siya ni Volkner sa kaliwang braso at pinigilang habulin ang babae.
“Ano ba, V?! Bitawan mo ako!” Palag ni Brooke.
“Wag mo ng patulan. She’s not worth it.” Napapailing na sabi ni Volkner.
Napabitaw na si Volkner. Napabuntong-hininga naman si Brooke. “Screw her.” Sabi niya.
Naglakad na sila papuntang bus terminal. Sumakay sila sa DLTB na bus diretsong Lucena. Si Brooke naman ang nakaupo sa may bintana. Nakaupo sila sa kanan ng bus. Nakapatay pa ang telebisyon sa harapan at nakapatay rin ang radyo. Kinandong ni Volkner ang kanyang bag na dala. Ang nasakyan nilang bus ay may free wi-fi.
Naglabas ng phone si Brooke. In-on niya ang wi-fi at nagbukas ng Facebook.
“Hoy! Wag ka ngang magukas ng phone dito. Baka mamaya ma-snatch iyan sa iyo.” Banggit ni Volkner.
“Eh nakaka-bore eh. Anong gagawin ko dito?” Sagot ni Brooke ng pabalang.
Napailing lang si Volkner. “Bahala ka diyan. Basta, pinagsabihan na kita.” Sabi niya.
“Oh, ito na po, Sir! Ibabalik na po sa bag!” Pilosopong sinabi ni Brooke. Ibinalik niya ang kanyang phone sa kanyang bag.
Maya-maya’y napuno na ang bus. Nag-start na ang makina at nagsimula na silang bumiyahe.
--
Wala pang isang oras, nakatulog si Volkner. Si Brooke naman ay nagkabit ng headset sa kanyang phone na nakalagay pa rin sa bag at nakinig na lang ng music. Napa-sandal sa kanya si Volkner. Napatingin siya dito. Ano ba iyan, V? Ako pa ginawa mong unan. Inis na naisip ni Brooke. Umiling siya. Hindi na lang niya inalis si Volkner kasi naisip niya na baka pagod na pagod na siya.
Mahimbing ang tulog ni Volkner. Maya-maya’y napasandal naman siya sa kanyang upuan. Tulog pa rin siya. Inunat naman ni Brooke ang kanyang balikat na nasandalan ni Volkner.
May pumasok na nagtitinda ng tubig. Hala. Nakalimutan pala namin bumili nito. Naisip ni Brooke. Kinuha niya ang kanyang wallet at bumili siya ng tatlong bote ng tubig.
Tumingin siya sa labas ng bintana. Ganito pala kapag bumibiyahe ng nagko-commute. Naisip niya. Tinanggal niya ang kanyang mga headset at lumingon-lingon siya. Maingay sa bus. Puno ito. May dalawang matandang nagkukwentuhan sa bandang likod. May ilang mga taong nakikipag-usap sa telepono. May mga ilang nakatingin lamang sa labas ng bintana. May tatlong taong nakatayo na naghihintay ng bababa para makaupo. May nagse-cellphone at may naka-headset ring mga tao. May mga taong tulog na mukhang himbing na himbing sa kanilang pagpapahinga. Napatitig si Brooke sa mga ito. Looks like they’ve had a long day. Naisip niya. Si Volkner kaya? Ba’t parang pagod na pagod? Naisip niya nang tumingin ulit Volkner.
BINABASA MO ANG
Revamp The School's Biggest B**ch (Revising..)
Non-FictionTatlong buwan na lang, graduation na ng mga estudyante sa University of St. Anthony. Bilang isa sa mga pinakamayayaman at pinakasikat, si Brooke, ang anak ng dalawang Alvarez na major shareholders ng university, ay siya ng halos kumokontrol sa pamam...