Chapter 27.

6 0 0
                                    

Chapter 27. :)

--

Nagpaalam si Volkner kay Marie. Naiwanan si Marie malapit na sa gate. Tinitigan lang ni Marie si Volkner habang tumatakbo siya palayo sa kanya.

“Ano ba’ng kailangan mong gawin dito?” Tanong ni Volkner nang makita niya si Brooke sa library.

“Puntahan natin si Liezel.” Sagot ni Brooke.

“Kaunting respeto naman, Alvarez. Teacher natin si Ms. Peñafiel.”

“Wala akong pakielam kung ano pa natin siya. Basta kailangan ko siyang mak– Teka.” Napatigil si Brooke at tumuro sa likod ni Volkner. Napalingon si Volkner. “Si Shiro at Trianne iyon, ‘di ba?”

Sabay takbo si Volkner sa direksyon nina Shiro at Trianne.

“Dude.” Tawag ni Volkner. Nanlaki naman ang mata ng dalawa na tila nagulat.

“V-Volkner!” Pansin ni Shiro. “N-Nandito ka pa pala.” Banggit niya. Napaatras si Trianne.

“Trianne.” Tawag naman ni Brooke. “I heard from Gert that you’ve been missing classes.” Humawak si Trianne sa braso ni Shiro. “Are you guys together?” Diretsong tanong ni Brooke.

Nagkatinginan ang dalawa. Napabuntong-hininga si Shiro. Bago pa siya makapagsalita, siningitan na siya ni Trianne.

“O-Oo.” Sagot ni Trianne.

Napalingon ng mabilis si Shiro. “Akala ko ba hindi natin sasabihin kahit kanino?” Tanong niya.

“Nahuli naman na tayo.” Sagot ni Trianne.

“Sigurado ka na komportable kang may ibang taong nakakaalam?”

“Oo.” Sagot ni Trianne sabay yakap sa braso ni Shiro.

“Kailan pa?” Tanong ni Volkner. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya.

Napatingin muli si Shiro kay Trianne. Bumuntong-hininga si Trianne. Humarap siya kay Volkner. “Can I talk to you privately?” Tanong niya. Napatingin si Brooke kay Volkner at ganoon din siya. Tumango-tango si Brooke.

“HA?!” Malakas na naging reaksyon ni Volkner sa narinig kay Trianne. Napatingin sa kanilang direksyon sina Brooke at Shiro.

“Sshhh! Ang ingay mo, Atienza!” Puna ni Trianne.

“Sino bang hindi magugulat sa sinabi mo? Buntis ka?! At hindi si Shiro ang ama?” Nakanganga at mahinang sinabi ni Volkner.

Napaatras si Trianne at sumandal sa locker sa likod niya. “Look, I’m pretty sure there have been rumors of me having affairs with a lot of guys.”

Napakamot sa ulo si Volkner. “Ha? Hindi ko alam iyon.” Banggit niya.

“Hindi mo alam?!”

“Now that you mention it, parang may narinig na nga ako.” Iwas ng tingin na sagot ni Volkner. “Pero, hindi naman kasi ako naniniwala sa ganoon kaya siguro hindi ko rin na-register sa ulo ko.”

Naglabas ng hininga si Trianne, yumuko, at ngumiti. Umiling siya.

Naglabas rin ng hininga si Volkner. “So, ano ang balak ninyo ngayon?” Tanong niya. Tiningala siya ni Trianne.

“Wala pa. So far, wala pa.” Sagot ni Trianne.

“Gaano ka na ba katagal na-“

“2 months pa lang naman. So, basically, unsure pa kami.”

“Nakaka-experience ka ng mga morning sickness and cravings, ganoon?”

“Yeah. That’s why we immediately thought that I may be pregnant.”

Napahawak si Volkner sa kanyang baba. “Nakapagpa-check up ka na ba? Or kahit pre-natal lang?”

“Wala pa eh.” Sagot ni Trianne.

“Gusto niyo ba samahan ko kayo? May kakilala si Mang Apollo na midwife. Baka pwede kayong matulungan niyon. Supplements mo, meron ka na ba?” Tanong pa ni Volkner.

Napangiti lang si Trianne. Biglang tumakbo si Brooke papunta kay Trianne at niyakap siya. Lumapit din sa kanila si Shiro.

“I’m sorry, Trianne. Pinilit niya akong sabihin sa kanya eh.” Banggit ni Shiro.

Umatras si Brooke, ngunit hindi niya binatawan si Trianne. Kita ni Volkner at Trianne ang pag-aalala sa mata ni Brooke. “What have you gotten yourself into, Trianne?” Tanong ni Brooke.

“I’ll be fine.” Sagot ni Trianne. Tumingin siya kay Shiro. “I’m also glad that I have Toshiro. He’s been taking care of me since.”

Hinarap ni Brooke si Shiro. “Akalain mo iyon. Isang bading pa ang nagkaroon ng puso na panagutan ka.” Banggit niya.

“Salamat, Brooke.” Nakangiting sagot ni Shiro.

“Still,” Sabay harap si Brooke kay Trianne. “Are you sure that you can handle it?”

Tumingin si Trianne kay Shiro at ngumiti. Ganoon din si Shiro. “We are.” Sagot ni Trianne na nakangiti.

“Teka.” Singit ni Volkner. “Trianne, have you told your parents?” Tanong niya. Napatingin sa kanya sina Shiro at Trianne.

“Hindi pa namin masabi, Volkner.” Sagot ni Shiro. “You know, her Dad is.. Well..”

“Dad would resent me if he’d know about this.” Banggit ni Trianne na nakayuko.

Naglabas ng hininga si Volkner. Yumakap naman muli si Brooke kay Trianne.

“Okay.” Biglang sabi ni Volkner ng nakangiti. Napatingin sa kanya ang tatlo. “I’m happy for the both of you.” Banggit niya. “Pero, I still think you need to tell your both your parents.”

Tumango lang ang dalawa. Maya-maya’y nagpumilit ng umalis si Shiro. Hahanapin na raw kasi siya ng tatay niya. Ngumiti si Trianne kay Volkner at Brooke. Lumapit siya kay Volkner.

“Totoo nga ang sabi nila.” Banggit niya. “Mabait ka pala talaga, Atienza. Sige, we have to go. Bye, Brooke!” Hirit niya at tuluyan ng nawala sila sa panginin ng dalawa.

“Now, ano bang kailangan mo kay Ma’am?” Tanong ni Volkner matapos ang ilang segundong katahimikan sa dalawa.

“I just need to talk to her about something.” Sagot ni Brooke.

“And that is?”

“We’ll both soon find out.” Sagot ni Brooke. Hinila na niya si Volkner papunta sa faculty.

Nakarating sila sa faculty at nakitang walang tao roon.

“Asan ba ang Liezel na iyon?” Inis na banggit ni Brooke.

“Brooke, ano ba?” Pigil ni Volkner. “Respeto. Umayos ka nga.” Dagdag niya.

“Wala akong pakielam sa kanya. Kailangan ko na talaga kasing makausap ang Liezel na iyon para malinawan na ako.” Inis na banggit ni Brooke.

“Malinawan saan, Ms. Alvarez?” Biglang pasok si Ms. Peñafiel. “What do you want from me, Brooke?” Tanong niya.

Napangisi si Brooke. “Now, let’s get straight to the point..” 

Revamp The School's Biggest B**ch (Revising..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon