Chapter 26.

7 0 0
                                    

Chapter 26. :)

--

“ANO BA TALAGANG PROBLEMA MO?” Sigaw ni Angel. Lalo lang dumami ang mata sa kanila ni Hershey.

“Ako ba talaga ang may problema sa atin?” Tanong ni Hershey ng kaswal.

Naglabas ng hininga si Angel. “Pinupuno mo na talaga ako.” Banggit niya.

Umiling lang si Hershey at ngumiti. Lalo lang nainis si Angel. Bigla namang lumapit sa kanila sina Volkner at D.O. Nanonood na rin sila Marie, PJ, at Manuel.

“Anong problema dito?” Tanong ni Volkner.

“Don’t ask me.” Agad na sagot ni Hershey. Nakatingin lang siya ng diretso kay Angel at ngumiti.

Bumwelo na si Angel, ngunit inawat siya ni Volkner. Nagpumilit si Angel na lumapit. Pinuntahan naman ni D.O. si Hershey at pinalayo.

“Sandali!” Biglang banggit ni Hershey. Hinawakan niya ang mukha ni D.O.

Napanganga lang ang lahat sa nakita.

‘Di ba nerd lang iyon?

Score!

Eeew! That dude’s a geek!

Mga umikot na salita sa paligid.

Nakapalag na si Angel kay Volkner at lumapit kay Hershey.

“Confirmed. He does have soft lips.” Nakangiting binanggit ni Hershey. “Bakit kasi ayaw mo pang umamin?” Tanong niya na nagbago na ang timpla ng mukha.

“Dahil hindi ako malandi.” Sagot ni Angel.

“Umamin na?” Singit ni D.O.

“Umamin na gusto ka niya.” Hinarap ni Hershey si D.O. Nagkaroon ng bulong-bulungan sa paligid.

Napatingin kay Angel si D.O. “Angel, tot-“

“Oo.” Agad na sagot ni Angel na hindi nakatingin kay D.O. Pumikit siya at naglabas siya ng hininga. Tiningnan niya si Hershey.

“Problem?” Tanong ni Hershey. Tumalikod si Angel at tumakbo paalis sa mata ng mga tao.

Hinanap nila Volkner, D.O., at Marie si Angel sa buong school, pero hindi siya nila nakita. Nagsalubong silang tatlo sa harap ng hagdanan sa ground floor.

“Wala pa rin?” Tanong ni Marie. “Volkner, baka kailangan mo nang pumasok sa klase.” Hinihingal na binanggit ni Marie.

“Oo, V. Okay na kami ni Marie. Kami na lang hahanap sa kanya.” Singit ni D.O. “Baka mamaya, magkaroon pa ng problema sa grade mo, matanggal ka p-“

“Hindi, guys. Okay lang. Mas importante kayo.” Banggit niya. Nagkatingin lang sina D.O. at Marie. “Hindi pa ba nagrereply sa inyo?” Tanong ni Volkner.

“Wala eh.” Sagot ni Marie. “Wala talaga.”

Napaisip silang tatlo. Maya-maya’y bigla silang nakita ni Ms. Peñafiel.

“Atienza? Mr. Ocampo? Ms. Imperial? What are you doing here?” Tawag niya sa pansin ng tatlo. Tumingin siya kay Volkner. “Especially you. Shouldn’t a valedictorian candidate be in class at this time of day?” Tanong niya.

“Worried lang po ako kay Angel, Ma’am.” Banggit ni Volkner.

“Worried? Why?” Tanong ni Ms. Peñafiel.

Revamp The School's Biggest B**ch (Revising..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon