Chapter 6.

30 0 0
                                    

Chapter 6. May mga malalaman po tayo kay Brooke at Volkner sa chapter na ‘to. :)

Ms. Liezel Peñafiel ----->

--

Pinasok nila Volkner ang dining room. Pagpasok niya, namangha na naman siya. Malaki ang dining room nila Brooke. Parang singlaki na halos ‘to ng bahay namin sa Lucena. Naisip niya.

Pagpasok niya, naroon na kaagad ang dining table. Isang rectangular na lamesa na 12-seater. Tig-lima sa gilid, at dalawa sa magkabilang dulo. Sa kanan ng dining table, may isang cupboard. Sa gitna niyon, may limang pares ng dining set na gold na kitang-kita dahil sa ilaw ng stands nito. Sa baba niyon, mga glassware na Rubbermaid. May nakita rin siyang mga stock ng sitsirya: Lays, Cheetos, Doritos, Pringles. Nakalagay sa harapan niyon ay Brooke.

“Takaw sa junk foods ah.” Nabanggit ni Volkner.

Sa kaliwa, may bar. Sa likod niyon ay shelves ng maraming wines. Hindi niya nakikita sa commercials ang mga iyon, so naisip niya na baka galing ibang bansa ang mga iyon.

“Umiinom ka ba, Volkner?” Tanong ni Mrs. Alvarez.

“Ay, hindi po, ma’am. Wala po sa pamilya namin ang nag-iinom.” Sagot ito.

Sa gitna, may isang mahabang portrait ng The Last Supper. Ito lamang ang colorful sa buong kwarto, na pagpasok mo ay ang kauna-unahan mong mapapansin. Ito pa talaga huli kong nakita. Naisip ni Volkner.

“Hoy, V.” Kalabit ni Brooke. “Masyado ka na namang obvious.” Nakataas na kilay na sinabi ni Brooke.

Tinatapos pang lutuin ang pagkain nila. Ang tanging mga nasa lamesa lamang ay mushroom soup na may croutons. Naupo na silang tatlo. Si Mrs. Alvarez ay nasa dulong kaliwa. Tinabihan siya ni Brooke. Sa kabilang gilid naman pinaupo si Volkner. Humabol si Joma na tumabi kay Brooke.

Nag-ring ang phone ni Volkner. Naisip niya na baka ang landlord niya iyon.

“Excuse lang, po, ma’am, Brooke.” Sabi ni Volkner.

“Oh, no it’s okay. You can answer it here.” Banggit ni Mrs. Alvarez.

Sinagot ni Volkner ang tawag. Hello po? Mang Apple? Ah, nasa bahay po ako ng tinu-tutoran ko. Opo. Opo. Baka mamaya pa po. Mga sandali na lang po siguro, dito na po kasi ako pinaghahapunan ng mama niya eh. Opo. Sige po. Pasensya na po, Mang Apple. Hindi po, pasensya na po talaga. Osige po. Salamat po. At natapos na ang tawag.

“Napaka.. Hmmm.. Magalang.” Banggit ni Mrs. Alvarez.

“Oo nga po, tita, eh. Mukhang napalaki ng maayos ng magulang.” Singit ni Joma.

“May siinasabi ka?” Singit ni Brooke na natatawa.

“Wala naman. Bakit?” Nakangiting sagot ni Joma. “Jomari pala.” Bati niya kay Volkner. Nakipag-kamay siya dito. “Jomari San Jose.”

Ah. Pinsan ni Brooke sa mother’s side. Naisip ni Volkner. “Hello po. Volkner Isaac Atienza.”

“Atienza?” Singit ni Mrs. Alvarez. “Are you, in some way, related to Lito Atienza?” Tanong niya.

“Ay, hindi po.” Nakangiting sagot ni Volkner.

“Ganoon ba? Sayang naman. Baka lang kamag-anak ka nila. I’m friends with their children kasi.” Paliwanag ni Mrs. Alvarez.

“Mom, he’s just a commoner.” Banggit ni Brooke.

“Brooke. That’s inappropriate. Are you hearing yourself? Labelling people. Gagaya ka pa sa tatay mo.” Sabi ni Mrs. Alvarez na tinaasan siya ng mata.

Revamp The School's Biggest B**ch (Revising..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon