Chapter 14.

16 0 0
                                    

Chapter 14. :)

--

Pagkagising ni Volkner, naghihintay siya ng tawag ng magulang niya. Tapos, naalala na niya. Wala na nga pala akong phone. Natawa siya.

Pagkaluto niya ng almusal, naligo na siya at pumasok na ng school.

--

Pagdating niya sa school, binati siya ni Ms. Peñafiel na nakasalubong niya sa gate.

“Kumusta ang pagsasama ninyo ni Brooke, Volkner?” Tanong ni Ms. Peñafiel.

“Maayos naman po, Ma’am Liezel.” Sagot ni Volkner.

“May mga problema ba kayong na-encounter?” Tanong pa ni Ms. Peñafiel.

Marami ma’am. Sobrang dami. Naisip ni Volkner. Hindi na lang siya nagkwento.

Pagkarating niya ng classroom, sinalubong siya ni Marie.

“Hi, V!” Bati ni Marie. “How was your weekend?” Tanong niya.

“Swell.” Mahinang sagot ni Volkner.

“May problema ba, Volkner?”

“Wala.” Natatawa niyang sagot. Napailing siya.

Pumunta na siya sa upuan niya. Naroon na rin sila Shiro. Si Shiro ay nakaupo sa upuan ni Angel, sa likod ni Volkner. Si D.O. ay nakasandal sa pader at si Angel ay nakasandal sa upuan sa hilagang-silangan ng upuan ni Volkner.

“Hi, V.” Bati ni Angel.

“’Musta, ‘pre?” Tanong ni D.O..

“Did you hear the news, guys?” Banggit ni Shiro.

“Ano iyon, Toshiro?” Tanong ni Volkner.

“Nakakatawa ka naman, V. Ikaw pa naman president ng student council, hindi mo alam.” Sagot ni Shiro.

“Hindi ba kasama mo maglakad sa hall at umakyat si Ms. Peñafiel? I thought you knew already.” Sabi ni Marie.

“Ano ba iyon?” Tanong ulit ni Volkner.

“Deliberation daw teachers and professors ngayon sa mga graduating students.” Balita ni Shiro ng pabulong.

“Oh?” Tunog ni Volkner.

“Talaga, Shiro?” Singit ni Angel na hindi rin alam ang tinutukoy ni Shiro.

“Oo, daw. Narinig ko rin eh. And by that, they announced-“

“Na half day lang ang klase.” Nakangiting singit ni Shiro bago pa matapos magsalita si D.O.

“REALLY?! That’s good news!” Reaksyon ni Angel. “You know what that means..” Dagdag niya na tumataas ang dalawang kilay.

“Gala.” Sagot ni D.O..

“Oo nga, guys. Gala naman tayo. Hindi ko na kayo nakakasama  sa labas.” Banggit ni Shiro.

“Oo nga.” Nakangiting sang-ayon ni Marie. “Ano, Volkner? What do you think?” Tanong niya.

Napangiti si Volkner. “Sige. Tara!”

Revamp The School's Biggest B**ch (Revising..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon