(HER POV)
~~~
Masaya kaming nakasakay ni Dad sa yacht na bagong bili niya. Di nakasama si mom sa test drive na ito ni Dad dahil may meeting siya sa opisina. Kaya kami na lamang dalawa. Excited na excited kaming pareho ni Dad.
“Are you ready sweety?”
“Aye aye captain!”, masaya kong saad habang naka-salute pa ako sa kanya.
“Let’s go!.”
He started the engine. Nagtatawanan pa kami. Enjoy na enjoy ko yung dagat na nakapalibot sa amin. Nakikita ko din na ang saya-saya ni Dad. napaka-suave lang ng pag-d-drive niya.
“Dad, look oh. The clouds are awesome.”
“Yes sweety. Awesome as you are.”
Hanggang sa bigla na lamang sumabog ang sinasakyan namin. Ang bilis ng mga pangyayari. Nakayakap si dad sa akin pero nakapikit lang siya.
“D-dad.”, umiiyak kong sabi dahil sa takot ko.
“Ssshh. Dad’s here sweety. Don’t be scared.”, nanghihina niya sabi.
“Are you okay dad?”
“Y-Yes sweety.”
Napansin namin na nasusunog na ang kabuuan ng yacht kaya nag-desisyon si dad na tumalon kami sa tubig. Di ako marunong lumangoy kaya di ako binibitawan ni dad.
“Sweety, stop crying. Nandito lang si daddy, okay?”
“Dad, you’re bleeding.”
“Don’t mind that. I’m okay.”
May nakitang salbabida si dad kaya sinuot niya ito sa akin. Suotin ko daw yun dahil magaling naman daw siyang lumangoy.
Hanggang sa di nagtagal ay di na nagsasalita si dad. nakahawak pa din siya sa gilid ng salbabida.
“Dad. Dad. Are you sleeping already? You’re quite. Dad.”, kinalabit ko siya ng ilang beses pero no response na galing sa kanya.
Dumausdos na lamang ng dahan-dahan si dad. Di ko naman siya kaya na pigilan dahil ang bigat niya. Wala akong nagawa kundi umiyak. Nahaluan ng dugo yung parte kung nasaan si dad kanina.
“Daddy!!!!”, sigaw ko habang umiiyak. Napatingin ako sa buong paligid at ang malawak na dagat na lamang ang nakikita ko at ang mga parte nung yate na sinakyan namin kanina. Iyak pa din ako nang iyak.
~~~
Nagising ako dahil sa malakas na alog ng kung sino sa akin. napabalikwas ako ng upo sa kama ko.
“Sweety, are you okay?”, it was mommy. Napayakap agad ako sa kanya at umiyak.
It was 13years ago but it’s still fresh in my mind. Dad and I are very close to each other. And all of a sudden mawawala na lamang siya ng ganun sa amin.
“I dreamed about Dad, mom.”
“Ssshh. It’s okay sweety.”
I am only 7 years old when that incident happened. Now that I’m 20, there are times that I dream about that. Kaya nga din simula nun, never na akong sumakay ng barko o pumunta man lang ng dagat. Na-phobia na ako ng tuluyan sa mga yun.
“Get up now. You have class. Baka ma-late ka pa.”
“Susunod na po ako sa baba mom.”
BINABASA MO ANG
Love Happens (COMPLETED)
FanfictionPosible bang magkagustuhan o magmahalan ang dalawang tao na nagtagpo sa isang di kaaya-ayang pangyayari?. Read the story to know what's gonna happen between Samantha and Bryle.