Chapter 6 :: AMUSEMENT

357 8 0
                                    

Pumasok ako sa walk-in closet ko. Dinala ako ng mga paa ko kung saan nakalagay ang matagal ko ng di hinahawakan at ginagamit. For how many years. Napahawak ako sa dibdib ko, kumikirot na naman. I wanna cry pero di lumalabas yung mga luha ko. Matagal na akong nakatitig dito. Kukunin ko ba o hindi?

Huminga ako ng malalim at kinuha iyon. Naupo ako agad sa gilid ng kama ko and take it out from its case. Nakailang buntong-hininga na ako. Kaya ko ba? Nanginginig pa yung kamay ko nang mahawakan ko na iyon. 

And I found myself starting to strum the strings. I was so young when I learned how to play it.

~ Wise men say
Only fools rush in ~

Sumikip bigla yung dibdib ko. Naalala ko yung mga days na nag-b-bonding kami ni dad thru singing and playing the guitar. Nagbabadya na naman ang mga luha ko. Gabi na pero naka senti mode pa ako. Di talaga ako gagaling nito.

~ But I can't help falling in love with you ~

Gumaralgal na yung boses ko. Huminga muna ako ng malalim. Bago kumanta ulit.

~ Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you? ~

Di ko na tinapos yung kanta at tinabi na yung gitara. Napahagulgol na lamang ako bigla.

"Daaaaad.. I miss you so much.", I said between my sobs. Napahiga na lang ako at niyakap ang unan ko. Theme song kasi nila ni mommy yun. The first song I learned from dad.

*****
I tried so many times to practice pero di ko kinaya. Bukas na yung performance namin. Kumakanta naman ako pero yung ako lang mag isa. I promised when dad died na wala ng ibang makakakita ng talent ko kundi siya at ako lang. And I believe everytime I sing, nakikinig si dad kung nasaan man siya ngayon. That's why nasabi din ni April na nakita niya yung mga videos ko na kumakanta ako. Pinakialaman kasi niya yung pc ko dito sa room ko. Minsan kasi pag nasa mood ako ay gumagawa ako ng covers nung mga kantang alam ko. Kaya ayun. Di ko pa nga siya pinansin ng mga 1 week nun. High school pa naman kami nun.

Ayaw ko namang mag perform dun sa singing event namin. Ang gusto ko lang talaga ay ma-exempted sa exam. Sayang din yun. Perfect na ako kaagad. Mag iisip na lang ako ng paraan para di maka perform. Di pa ako naka perform sa tanang buhay ko sa harap ng maraming tao. Mygosh. Isipin ko pa lang para na akong mamamatay sa kaba. Gosh.

"Beshy, pasok ka bukas ah.", bungad agad sa akin ni April sa kabilang linya. Panay tawag nito eh.

" Yup."

"Bukas na din yung performance."

"Excited ka yata."

"Of course. Ang galing ko kayang singer. Talo pa kita for sure."

"Wow. Ang lakas ng self confidence ah.", natatawa kong sabi. To be honest, mas magaling pang kumanta sa kanya si Anne Curtis. Peace yow.

" Ganyan talaga pag magagaling."

"Bye na nga. Baka bumagyo pa sa hangin mo."

"Inggit ka lang."

"Whatever beshy."

I hanged up the call baka humangin pa siya lalo. Buti na lang ay bestfriend ko siya. Haaay.







*****

"Oh sweety. Dala mo yata ang gitara mo? Matagal na kitang di nakikita na dala yan.", excited na bungad ni mommy.

" May performance lang po kami."

Love Happens (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon