Chapter 5 :: NOT OVER YET

361 11 0
                                    

Monday. How I wish di muna dumating. I'm certain na di pa nila nakalimutan ang nangyari sa akin. Haay.

Nang ma-i-park ko na yung kotse ko ay nagdalawang isip pa ako na lumabas. Kung hindi lang nag bell ay di ako mapipilitan na lumabas. Tss. Parang ayaw talaga na maglakad ng mga paa ko. Haay.

Nasaan ba kasi si April? Haaay. Nagsimula na akong maglakad papuntang classroom namin. As expexted, ang dami kong naririnig na mga nagsasalita, nagbubulungan at nagtatawanan.

"Nakakahiya talaga siya."
"Di na ako papasok pag ako yun."
"Ang lakas din ng loob niya ano."
"Wala na siyang ulo na naglalakad."
"Ang taas ng self-confidence."
"Sinadya niya siguro yun."
"Gusto yatang magpasikat eh."

Haay. Wala talaga silang magawa sa mga buhay nila. Pinagtutuonan talaga nila ako ng pansin. Grabe talaga. Nagpatuloy pa din ako sa paglalakad. Nang makarating na ako sa classroom ay nagtawanan nalang silang lahat. May sumisipol pa na nababastos ka na talaga. Yung tingin ng ibang lalake ay parang huhubaran na ako. Napatingin ako kay April. Nandun na paka siya. Naaawa ang mga tingin niya sa akin. Ayoko ng tignan si Bryle at Natalia. Mas lalo lang akong ma-d-down.

"Beshy, are you okay?"

"I'll lie to you if I say yes. Kahit napaka obvious na hindi."

"Sorry talaga beshy."

"Sinabi ko na sayo di ba na stop saying sorry dahil wala kang kasalanan dito."

"Nakokonsensya lang talaga ako.'

" Don't be. Isipin mo na lang na nangyayari 'to dahil sa immaturity ng dalawa."

Natahimik lang ang lahat nang dumating na yung teacher namin.

"Let's all proceed to the court."

PE nga pala namin.

"Boys will play for this day.", our teacher said as soon as we all arrived in the court.

Salamat naman at di na itinuloy yung sa amin.

" I'm not done to you Samantha.", biglang bulong ni Natalia sa akin nang papunta kami sa gilid.

"Natalia, FYI, di totoo yung sinulat ni Bryle noon."

"I know."

"How?"

"Obvious naman masyado. Di ka rin naman kagusto gusto."

Ang kapal te. Eh kung titignan nga tayo, ako mag-s-stand out sa ating dalawa. Over confident ka lang talaga at attention seeker kaya napapansin ka talaga.

"Bakit mo pa ako ginugulo?"

"Nag-e-enjoy pa ako.", mataray niyang sabi sabay flip ng buhok niya at naglakad palayo sa akin. Tss.

Bakit napakadaming immature sa mundo? Tss. Nadadamay ang mga matitino. *sigh*

Nang magsimula na yung game ay puro na cheer si Natalia kay Bryle. Papansin talaga. Go na kayong dalawa. Bagay naman kayo. Puro mga IMMATURE. Tss. Di ako nanood nung game at naglaro na lang ako ng plant vs zombie sa phone ko. Di naman ako interesado.

Nang matapos yung game ay may inanounce muna si ma'am bago kami pinaalis.

"I have an announcement to make before I Iet you leave. There will be a Singing event during our foundation day 2 weeks from now. So I need to choose 2 people from your block to be the representatives, one from boys and the other from girls. This will be a duet. You need to prepare a solo piece to be performed in our class by friday. The two who will be chosen will be exempted for the midterm exam. See you next meeting."

Love Happens (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon