Chapter 11 :: ITS OVER

380 8 0
                                    

Kinusut-kusot ko yung mga mata ko. Baka namamalik-mata lang ako sa nakikita ko. But I'm not. Siya nga yun. It's Bryle.

What a coincidence. Magkatapat lang pala ang mga kwarto namin. Hmm. Kasalukuyan siyang nakaupo sa bintana niya at hawak-hawak niya yung gitara niya din. Wala naman yatang masama kung titignan ko siya saglit. Hawak niya lang yung gitara niya pero di niya ginagamit. Nakatingin lang siya sa malayo.

All of a sudden ay napadako ang tingin niya sa akin. Nataranta ako. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Para akong bata na nahuling nangungupit. Gosh. Agad kong sinara yung bintana ko at yung kurtina. I also turned off the lights. Napasalampak ako sa kama ko habang hawak ko yung dibdib ko. Sinubsob ko yung mukha ko sa unan ko. Tanga tanga mo talaga Samantha. Nakakahiya ka. Aish. Sinipa sipa ko yung paa ko sa hangin. Kyaaaah. Nakakahiya.

Paano ito bukas? Aish.



The next day...
Nagdadalawang-isip talaga ako na pumasok sa school. Yung katangahan ko kasi kagabi.

"Guys, may transferee na naman."
"I've heard, gwapo daw."
"Mygosh. Bagong vitamins sa mata."

Narinig kong usapan nung mga babae. Haaay. Ewan ko sa kanila.

Pagdating ko sa room ay sakto ang pagdating ng adviser namin. May announcement na naman yata 'to. Haay.

"You might be shock dahil dito na naman ilalagay yung transfer student. But you have no choice. So, let's all welcome..."
Tinawag ni maam yung trasfer student sa labas.

And boom. Gwapo nga talaga siya. Mas gwapo pa kay Bryle. Hahaha. Joke. Basta gwapo siya. Perpek.

"Hello guys. I'm Enzo Santos."

Naging maingay sa bulungan ang mga kaklase namin, lalo na ang mga babae. 

Nagulat kami dahil biglang pumunta sa harapan si Natalia pagkaalis nung adviser namin. Ayan na naman siya.

"May I have your attentions please.", sabi niya. Nagtaka naman ang lahat. Ganito din ang ginawa niya nung unang dumating si Bryle dito. " Enzo is mine. Mine only. Wag na kayong kumontra."

Nagbulungan na naman ang mga kaklase namin. May iba na nagulat. Pati ako ay gulat na gulat. Wtf? Paano si Bryle? Tsk.

"Di ba kayo pa ni Bryle?", tanong nung isa naming kaklase. Buti at tinanong niya yun. Good job.

"Matagal na kaming wala."

"Nakita ko pa nga kayong magkasama kanina eh."

"Bawal ba magsama ang mag ex?"

"Totoo ba yun Bryle?"
Lumipat na naman kay Bryle yung attention.

"Siya naman yung nanligaw sa akin in the first place. I just said yes para di na niya saktan si Samantha. Para ngang matatanggal ang dila ko sa tuwing tatawagin ko siyang BABY. Now I'm happy na matatapos na yun. Enzo...", napatingin siya dito. " Thanks for saving me.", hinaplos-haplos niya pa ang ilong niya. Yung tipong maiinis ka talaga. Aish.

"What are you saying Bryle? Kayo, di yun totoo. Wag kayong maniwala sa kanya. Bryle, ano ba!", nahihiya niyang saad.

" Stop your shits now Natalia."

Napatakbo palabas si Natalia. Walang ni-isa sa mga alipores niyang ang sumunod. Sa halip ay nagsitawanan pa sila. Wala din namang pakialam sa kanya si Enzo.

"Panatag na ba loob mo ngayon beshy?", biglang bulong ni April sa akin na ikinagulat ko

" Gaga. Wag ka ngang manggulat diyan."

Love Happens (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon