"Andito na pala tayo, Belle."
Sabi ni Ali habang nakatayo sa harapan ng isang gusali. Ito na siguro yung sinasabi niyang kakilala niyang nagpapaupa ng matitirhan namin. Kumatok naman si Ali at may nagbukas agad ng pinto.
"Pasok po kayo."
Wika noong matandang babae na nagbukas ng pinto.
"Nandito po ba si Ginang Margarita?" Ali
"Ah si Ginang Margarita po ba? Eh wala siya ngayon, nasa kabilang bayan naniningil ng pautang niya. Bakit niyo po ba siya hinahanap?"
"Uupa po kasi sana kami ng isang kwarto pansamantala lang po. Sabi kasi ni Ginang Margarita noon eh pwede kaming manirahan dito."
Pagpapaliwanag ni Ali sa matandang babae. Ngumiti naman siya.
"Kung ganun, may isang kwartong bakante pa dito kaya pwedeng pwede kayong manuluyan dito. Ako nga pala si Aling Susan, katiwala ni Ginang Margarita dito."
"Ako nga din po pala si Ali at siya naman si Belle."
Pagpapakilala ni Ali sa amin. Pagkatapos na mag-usap kay binigay na ni Aling Susan ang susi at hinatid na kami sa kwartong tutuluyan namin. Sabi pa niya kanina namumukhaan daw niya si Ali, hindi nga lang alam ni Aling Susan kung saan. Nagtataka talaga ako kung bakit may kakilala si Ali na taga bayan. Hmmm..
"Uy Ali, bakit mo kilala ang may ari ng paupahang ito?"
"Bakit mo ba tinatanong Belle?"
"Eh gusto kong malaman eh. Bakit nga?"
"Basta! Wag na maraming tanong."
Aba! Bakit ba ayaw ni Ali sagutin ang tanong ko? May tinatago ba siya sa akin? Buong buhay ko si Ali ang best friend ko kaya lahat sinasabi ko sa kanya pero bakit siya parang may hindi siya sinasabi saken? >.< Hindi na ako nagsalita! Hmp!
"Aysows Belle, kunwari tahimik! Okay, sasabihin ko na."
Ayan, sasabihin rin naman pala e! Itong si Ali pinapaghintay pa ko. Hohoo! Nginitian ko naman siya. ^_^
"Si Ginang Margarita yung tinulungan ko noon ng maligaw siya habang pabalik ng bayan.. Ayun, naging kaibigan ko na siya simula nun!"
"Bakit hindi ko alam un?"
"Aba Belle, malay ko bang importante sayo malaman yun."
Sabagay, tama nga naman si Ali. Tinulungan niya si Ginang Margarita kaya magkakilala sila. Well, isa lang masasabi ko sa kaibigan ko.. Good job Ali! ^_^
"Sige na Ali. Matulog nalang tayo. Pagod na pagod ako eh. Bukas ha maglibot tayo dito sa bayan."
"Okay! Tatapusin ko lang 'tong pagliligpit ng gamit natin. Sige na matulog kana."
"Hmm.. Good night!"
"Good night Belle!"
Nakatulog din naman ako agad. Ehe! Ganda kasi ng kama dito sa tinutuluyan namin, ang lambot talaga! Iba doon sa kama sa kaharian namin. Siguro iba lang talaga ang mga gamit ng tao at ng mga fairy na katulad ko..
Kinabukas maaga akong nagising pero ng magising ako mas una pa palang nagising si Ali eh. Grabeh siya ah! Ako una natulog sa kanya kagabi pero una pa siyang gumising saken. Natulog ba talaga siya??
"Good morning Ali. Ang aga mo naman nagising."
"Ah eh good morning Belle. Gising kana pala.."
Bakit parang gulat siya? Anong nangyayari dito kay Ali? Simula ng dumating kami dito sa bayan ng mga tao eh iba na ang kinikilos niya. >.<
"Kanina kapa gising? D ka makatulog?" Me
"Hindi naman. Sige na Belle, magprepare kana para makaalis na tayo ng maaga." Ali
"Okay!"
Kaya ayun, nagprepare na ako pati si Ali tapos umalis na kami. Una namin pinuntahan eh yung park. Ang ganda! May marami ding mga bulakalak at may mga batang naglalaro sa play ground ng park. Namiss ko tuloy si Lala. Kamusta na kaya siya?
"Bakit ka tulala Belle?"
Biglang tanong ni Ali. Tulala ba ko? Hihii.. Hindi naman ako tulala ah! :D
"Naalala ko lang si Lala, Ali. Ano kaya ginagawa niya ngayon?"
"Eh d malamang naglalaro yun ngayon. Hindi naman yun nalalagi sa palasyo eh. Nagmana kaya yun sayo!"
"Aba ah!"
"Eh bakit ba.. Totoo naman sinasabi ko ah!"
Bestfriend ko ba talaga 'tong si Ali? Bakit ganyan siya magsalita? Hmp!! Nagpout lang ako ng lips at hindi na nakipagtalo kay Ali. at some point, tama naman siya. Noong bata pa kasi kami, lage akong tumatakas sa palasyo para magpunta sa bahay nila Ali para makipaglaro sa kanya. Kaya alam na ng mga kawal kung saan ako hahanapin kapag pinapahanap ako nila Ina.
Habang naglalakad kami hindi ko namalayan may nakabangga ako. Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan namin eh. Sa mga bata padin kasi ako nakatingin. O.o
"Sorry Miss.."
Yan ang sabi ng lalaking nakabangga ko.. Hala! Siya pa yung nagsorry sa akin kahit ako ang nakabangga sa kanya..
"Okay lang! Hindi naman ako nasaktan. Pasensya ka din ah, hindi ko sinasadyang makabangga ka!"
"Belle, anong nangyari?"
Ang OA ng reaction ni Ali. Hindi kasi niya nakita na may nakabangga ako. Bilis kasi niya maglakad kaya naiwan ako. -_-
"I'm fine Ali. Don't worry!"
Sagot ko naman sa kaibigan ko!
"Sorry talaga Miss.. Ako nga pala si Idan."
"Ah eh ako din pala si Belle at siya naman ang kaibigan ko, si Ali."
Ayan! Magkakilala na kami. Infairness sa kanya, pogi siya ah! Hihihi.. *_*
"Nice meeting you both. Pero kelangan ko na umalis." Idan
"Same here." Me
Umalis na din si Idan. Parang nagmamadali talaga siya.
"Huy Belle! Kung makatingin ka naman jan!"
"Anong makatingin?"
"Eh d yung tingin mo kay Idan. Ano pa nga ba?"
"Ang gwapo niya noh?"
"Okay lang!"
Aba Ali! Ang pogi kaya ni Idan tapos sagot mo okay lang? Tsss. Minsan talaga inisip ko tibo itong si Ali. Walang ka amor amor sa lalaki eh. Mwehee! Secret lang natin yan ah? >.<
_____________________________
A/N: Thank you for reading po! :)
After so many months nakapagUD din. Hohoo! Xoxo
Vote. Comment. Be fan. Enjoy.
BINABASA MO ANG
OUR KIND OF LOVE
Fantasy(COMPLETED) Isang hindi pangkaraniwang na pag-ibig sa isang taong hindi mo inaakalang magpapatibok ng iyong natutulog na puso. Anong susundin mo? Ang tibok ng iyong puso o ang kapalaran mo? THIS IS OUR KIND OF LOVE.. WHAT'S YOURS?