CHAPTER 6

214 8 0
                                    

WOW!!!

Yan lang nasabi ko ng makita ko ang lugar na dinalhan saken ni Idan. Napakaganda talaga. Super!!! Kahit sa kaharian wala akong nakita ganito kaganda at kaaliwalas na paligid.

"Nagustuhan mo ba, Belle?"

"Napakaganda Idan. Salamat at dinala mo ako dito."

"Alam mo dito ako nagpupunta kapag gusto ko makapag isa. Minsan kung gusto ko mag isip dito ko nahahahanap ang katahimikang hinahanap ko."

Napakaseryoso naman nya. D ko sya maintindihan. Aish! Naninibago ako sa kanya.

"Maganda naman kasi talaga dito, Idan. Wala to sa kaha.... lugat namin."

Muntik na un ah! Tsk! Lagot ako kapag nalaman nya. Huhubels.

"Kaya nga kita dinala dito Belle. Sana ay lage kita kasama kapag pumupunta ako dito. Sana simula ngayon lage na kita makakasama."

"Pero Idan...."

"Pero d kita inoobliga ha? Hehe."

Aish! Kung alam mo lang Idan kung gaano ko gustong lage kang kasama. Pero sa makalawa ay aalis na kami ni Ali pauwi ng palasyo. Huhubels eh!

"D ko din naman iniisip na inoobliga mo ko..

"Belle, mahal kita."

O_O

WHAAAAAAAAAAATTT???? Totoo ba ung narinig ko? Teka teka.. Ano nga yun ulet???

Blink.. Blink..

"Mahal kita, Belle, simula pa noong nakita kita."

Pagtatapat ni Idan saken. Nyaaaaaaaaaa. Mahal ako ni Idan??? Hihihi. Sarap lang pakinggan. :D

"Idan...."

"Hindi ako naghihintay ng sagot, Belle. Gusto ko malaman mo na mahal na mahal kita bago pa man kayo umalis ni Ali.."

Weh? Alam ni Idan na aalis na kami ni Ali? Pero paano? Paano nya nalaman?

"Idan kasi... Bakit mo alam na aalis na kami ni Ali sa makalawa?"

Pagtatakang tanong ko.

"Sa makalawa na ba? Syempre aalis talaga kayo kasi d naman kayo taga rito."

Aish! Tama nga naman. Aalis talaga kami dahil d kami taga bayan. Naglalakbay lang naman kami. Naglalakbay para makita ang ibang bahagi ng mundo, pero iba ang nakita ko. Nahanap ko ang pag ibig na noon pa ay inaasam ko na.

"Mahal din kita, Idan. Pero...."

"Shhhhhhh.."

D ko na maitago pa. Mahal ko din si Idan. Kahit saglit ko pa cya nakilala at kahit lage pinapaalala saken ni Ali na d pwede maging kami ni Idan dahil hindi ako tao, d ko parin maiwasan mahulog ang puso ko sa kanya.

Bigla akong niyakap ni Idan. Haaaaaay. Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon ko lang naramdaman to. Yung kilig at saya kapag kasama ko si Idan.

"Mahal na mahal kiya Belle."

Yan ang sinabi ni Idan na paulet ulet na tumatak sa isipan ko. This is it na ba talaga? May boyfriend na ko??

"Belle, anong nangyayari sayo? Nakatulala ka."

Tanong saken ni Ali. Day dreaming ang peg ko ngayon. Iniisip ko kasi si Idan at ang pagtatapat nya. Ayiiieee.. May boyfriend na talaga ako!!!

"Ah eh wala Ali. Bakit ba?"

"Aalis na tayo bukas kaya maghanda kana."

What? Wait! Bukas agad? Diba dapat sa makalawa pa? Bakit biglaan? Waaaaaaa.

OUR KIND OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon