WAAAAAAAAAAAAHHHH. Sigaw ko sa isipan ko. Ang gwapo niya!! Sino kaya ang matiponong lalaking binuksan ni Butchoy ng pinto? Siguro yan na ang kapatid niya. Hihihi. Umayos ka Belle, dapat magpa-impress ka!
"Ehem! Belle, tinatawag ka ni Butchoy."
Sabay kurot ni Ali sa tagiliran ko. Tsk. Nawala pala ako sa sarili. Sakit pa naman ng kurot ni Ali. Aish! Hala! Tinatawag ako ni Butchoy? Bakit kaya?
"Yes, Butchoy?" Me
"Ate Belle, siya nga po pala ang kuya ko. Si Kuya Ryan. Kuya, siya si Ate Belle at siya si Ate Ali. Naglalakbay po sila." Butchoy
"Hi." Me with matching pa cute ^___^
"Hello sa inyo." Ryan sabay kaway pa!
Nakipagkamay pa siya sa amin. KYAAAAAA. Hihimatayin ako nito eh. Bakit ba ang gwapo niya? Kaya nakipagkamay na din ako pati si Ali. Nanlamig ang kamay ko.. Hihi.
"Ikaw pala ang kuya ni Butchoy?" Ali
"Opo, ako nga." Ryan
"Huwag mo na akong pino-po kasi mukhang magka-edad lang naman tayo eh." Ali
"Hehe. Pasensya na. Nasanay kasi ako na pino-po ang mga tao lalo na at ngayon ko lang nakilala." Ryan
"Wala yun. Basta Ali nalang itawag mo sa akin." Ali
"Sige. Hehe." Ryan
Okay! Sila na close agad. Etchapwera ako. Tsk! Itong si Ali talaga oh. Mang-aagaw pa ng boyfriend. Hihihi. Boyfriend agad eh noh? ^__^
"Kuya, magpalit ka po muna ng damit. Basa po yang suot nyo. Eto po oh, kumuha na ako ng damit." Butchoy
"Salamat." Ryan
At ayun nga, nagpalit si Ryan. Hindi naman sa harapan namin ni Ali pero guess what, kitang kita ko pa din yung pagpalit nya ng damit. Hindi ako namboso ah. O_o Slight lang! HAHAHA. Nakikita ko kasi siya dito sa inuupuan ko eh. Yung abs niya super. Grabeh. Ang macho niya! I wonder, ano kaya trabaho niya?
"Ate Belle, lumalakas po ang ulan. Dito na lang po muna kayo." Butchoy
"Naku! Hindi na Butchoy. Kaya na namin ni Ali na maglakad papuntang bayan." Me
"Sure ka Belle?" Ali
"Oo naman Ali. Kailangan na natin umalis. Nakalimutan mo bang kailangan natin bumalik bago mag-full moon? Yun ang bilin ni Ina sa akin." Me
"Tama nga pala! May salo-salo kasi nun." Ali
"Anong salo-salo?" Me
Wala akong alam dito sa salo-salo ah. Ano bang okasyon nun? Kaya pala kabilin-bilinan ni Ina yun. Tsk.
"Kukunin ko lang ang mga gamit namin ni Belle at aalis na kami, Butchoy." Ali
"Ngayon na kayo aalis? Pero baka mapahamak kayo. Madulas ang daan at hindi ninyo kabisado." Ryan
"Okay lang yan. Kaya naman namin eh." Me
Ang gwapo talaga niya! Concern na concern sa akin ang boyfriend ko. HEHEHE.
"Mas mabuti pa Kuya Ry samahan mo sila sa bayan para may kasama sila." Butchoy
"Naku! Wag na." Me
Sana naman ihatid niya talaga kami. HAHAHA. Kinikilig ako!!!
"Mas mabuti pa nga samahan ko na kayo. May titirhan na ba kayo sa bayan?" Ryan
"Oo meron." Ali
Bigla namang sabat ni Ali. Meron nga ba kaming titirhan dun? Kaninong bahay? May kakilala kaya si Ali doon? Napatingin naman kaming lahat sa kanya.
"Meron na ba? Saan?" Ryan
"Sa bandang may simbahan, Ry. May kakilala ako doon na nagpapaupa ng bahay kaya wag ka ng mag-abala." Ali
"Ganun ba? Eh di mas mabuti. Hatid ko nalang kayo hanggang sa may labasan." Ryan
Yan tuloy hanggang labasan lang kami inihatid ni Ryan my darling boyfriend. Si Ali naman kasi eh may kakilala pala siya doon bakit ngayon lang nya sinabi sa akin? Bad timing! Makakasama ko pa sana ng matagal ang boyfriend ko.. Hihihi.
"Dito nalang kami, Ryan. Salamat sa paghatid ha?" Ali
Andito na pala kami. Hindi ko namalayan sa kakatitig ko kay Ryan. Ang gwapo gwapo gwapo naman kasi niya eh!
"Walang anuman. Ingat kayong dalawa ha?" Ryan
"Thanks Ry." Me with matching smile. Hihihi.
Kumaway lang si Ryan sa amin habang naglalakad pabalik ng bahay nila. Kami naman ni Ali naglalakad na din patungo sa bayan. Sa tingin ko malayo pa ang bayan. Kapagod maglakad. Kung pwede pa lang sana lumipad eh. Ayt!
"Dalian mo naman paglalakad Belle. Gagabihin tayo nyan eh."
"Aba! Binibilisan na nga po oh."
Ang bilis naman kasi maglakad ni Ali. Ayan tuloy para na akong tumatakbo.
_________________________________________________________________
A/N: Salamat po sa paghihintay ng UD mga friends :)
Ngayon lang nakaUD, sobrang busy kasi.. Hihihi.. Pasenxa!
Enjoy kayo!
Vote. Comment. Be Fan. Love.

BINABASA MO ANG
OUR KIND OF LOVE
Fantasy(COMPLETED) Isang hindi pangkaraniwang na pag-ibig sa isang taong hindi mo inaakalang magpapatibok ng iyong natutulog na puso. Anong susundin mo? Ang tibok ng iyong puso o ang kapalaran mo? THIS IS OUR KIND OF LOVE.. WHAT'S YOURS?