CHAPTER 7

129 7 0
                                    

Papasok na kami ng palasyo. Bakit hindi ako masaya na nakauwi na ako? I meant, masaya naman ako dahil makikita ko na ulet si Ina at si Lala pati na yung mga tao dito sa palasyo. Pero bakit iba yung nararamdaman ko? Aish. Kainis naman oh! Parang naiwan ang puso ko sa bayan. Naiwan kay Idan.

"Belle, anak!"

Si Ina nakaupo sa trono nya. Tumayo sya at lumapit ako sa kanya. 

"Ina."

Niyakap nya ako at niyakap ko din sya. Halatang namiss ako ni Ina. Hinalikan nya ang noo ko.

"Maligaya ako at nakauwi na kayo, Belle. Kamusta ang paglalakbay nyo ni Ali?"

"Mabuti naman po. Masaya."

Pero malungkot din kasi kinailangan kong iwan si Idan. Si Idan na pinakamamahal ko.

"ATE BELLE!!!!"

Tumatakbo si Lala papunta saken. Nyaaaaaaaaaa. Namiss ko talaga ang bubwit na ito! Namiss ko ang kakulitan nya. :D

"Lala. Bubwit."

Bigla nya akong niyakap. Angg sarap ng pakiramdam. Bigla ko naman nakalimutan ang lungkot. Masaya ako na kasama ko na ang pamilya ko.

"Ate Belle, nasaan ang pasalubong ko?"

"Eto ba?"

Pinakita ko naman kay Lala ang pasalubong ko. Isang manika galing sa bayan. Manika na alam ko magugustuhan ni Lala.

"Wow!! Ang ganda.. Ina, tignan nyo po. Ang ganda po diba?"

Sabi ko na eh, magugustuhan ni Lala to. Hehehe.

"Oo nga ang ganda. Ano ipapangalan mo sa kanya, Lala?"

"Sitti. Sitti ang ipapangalan ko sa kanya."

Sitti? Bakit naman kaya Sitti? Ang weird ni Lala. Hahaha. Kaya ayun, naglaro na sya at iniwanan lang kami dito. Nilibot ko ang paningin ko. Bakit parang busy ang mga tao sa palasyo?

"Belle, magpahinga ka na muna. Mamayang gabi darating na ang mga bisita."

"Bisita?"

Bakit may bisita? Dahil ba nakauwi na ako kaya may handaan dito sa palasyo? Tsk! Bakit hindi ko alam na may handaan pala. Eh d sana sinabihan ko na si Ina na hindi na kailangan ng handa. 

"Oo mga bisita galing sa iba't ibang kaharian."

OUR KIND OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon