Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. Sana hindi ko nalang pinaasa si Idan. Pero mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya. At pero alam ko din na hindi kami bagay sa isa't isa. Tao sya at ako naman isang diwata. Huhuhu.
"Ready kana ba, Belle?"
Tanong saken ni Ali. Haaaaay. Ready ba ko? Kailangan ko ba maging ready? Waaaaaaa. I don't know!
"Tama ba ang ginawa ko Ali? Tama ba na ganun ko nalang sinaktan si Idan?"
"Belle, kalimutan mo na si Idan. Sa simula pa man ay alam mo na hindi kayo dapat magmahalan. At alam mo din naman ang huling kahilingan ng Hari, diba?"
Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Tama si Ali sa sinabi nya. Kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat. Bakit ba kasi ako nagpadala sa puso ko? Bakit hinayaan kong mahulog ang puso ko kay Idan? Bakit si Idan pa ang minahal ko? :(
"Ate Belle, ang ganda nyo po."
Sinabi ni Lala saken pagkapasok nya sa pinto ng kwarto ko. Nakabihis na din sya.
"Salamat Lala. Ang ganda mo din ah? Bagay sayo ang suot mo." Me
"Oo nga. Ang kyut kyut mo Lala." Ali
"Salamat po. Hehe. Sabi ni Ina kung ready na po ba kayo dahil dumating na ang mapapangasawa nyo." Lala
Nagkatinginan kami ni Ali. This is it na ba? Wala ng atrasan to? Huh!
"Sabihin mo kay Ina na lalabas na ko."
Utos ko kay Lala. Lumabas din naman agad sya. Tumayo na ako at inalalayan ako ni Ali papunta sa ballroom hall ng palasyo.
"Congrats Belle."
Nasabi ni Ali. Tama bang e congrats ako ni Ali? Tss. Sa bagay kakasal na nga pala ako.
Nasa hallway pa lang kami pero naririnig ko na ang mga tao sa loob ng ballroom hall. Kinakabahan ako sobra. Siguro dapat ko nalang isipin na si Idan ang pinapakasalan ko. Hehe. Pero hindi, para naman kasing niloloko ko ang sarili ko nyan eh.
"Mga panauhin namin. Dumating na po si Prinsesa Belle."
Sabi ng Punong taga payo ng kaharian. Nagpalakpakan ang mga tao habang ako naman naglalakad papunta sa gitna ng trono. Nandoon si Ina, Lala at ang ibang matataas na opisyal ng palasyo. Nagpatuloy naman sa pagsasalita ang Punong Tagapayo.
"At pinapakilala ko naman ang magiging mapapangasawa ni Prinsesa Belle... Si Prinsepi Troy."
May isang lalaki naglakad papunta sa kinatatayuan ko. Mukha naman sya makisig tignan pero hindi ko makita masyado ang mukha nya. Nang nasa gilid ko na sya nilingon ko sya.
O.o
Totoo ba to? HINDI AKO MAKAPANIWALA!!!! Totoo ba ang nakikita ko???
"Hi Belle."
SI IDAN NGAAAAAAAA!!!!
"Idan?"
"Ako nga."
Hindi ako makapaniwala. Totoo nga! Si Idan at si Prinsepi Troy ay iisa. ^________________^ Ibig sabihin hindi sya tao. WAAAAAAAAAAAAAAAA. Ang saya saya ko lang!!!
Kaya ayun, ginanap na nga ang aming pag iisang dibdib ni Idan. Hindi ko inakala na ikakasal din pala ako sa taong mahal ko. Ikakasal ako sa taong hindi ko inakalang mamahalin ako ng sobra. :)
Bakit ba hindi ko sya hinayaang magsalita kanina? Naisip ko tuloy! Hihihihi.
Simula noon, namuhay na kami bilang mag asawa sa palasyo. ^____^
________________________________________
A/N: Thank you very much my lovely readers :)
Vote. Comment. Be fan. God bless.

BINABASA MO ANG
OUR KIND OF LOVE
Fantasy(COMPLETED) Isang hindi pangkaraniwang na pag-ibig sa isang taong hindi mo inaakalang magpapatibok ng iyong natutulog na puso. Anong susundin mo? Ang tibok ng iyong puso o ang kapalaran mo? THIS IS OUR KIND OF LOVE.. WHAT'S YOURS?