CHAPTER 5

271 7 0
                                    

Ang sakit-sakit ng binti ko. Ikaw ba naman ang maglakad ng buong araw noh! Errr.. Kung pwede lang talaga lumipad eh kaya lang hindi naman pwede! Urgh! -_-

"Nakakapagod Ali.. Ang dami nating pinuntahan." bulalas ko habang papaupo ng kama.

"Nag-enjoy ka naman kanina eh. Okay lang yan!" sagot ni Ali saken na parang siya hindi napagod. Tss!

"Eh ikaw ba nag-enjoy?"

"Okay lang!" walang ganang sagot niya.

Nagtataka na talaga ako, super! Ilang araw na ang lumipas ng mapansin kong iba ang kinikilos niya. Pati yung pagiging jolly niya nawala bigla. Yan ba epekto kay Ali sa bayan ng mga tao? :(( Hindi ko na talaga napigilan itanong sa kanya.

"May nililihim ka ba saken?"

"HA?" gulat niya sagot. 

"Eh kasi parang iba kinikkilos mo nitong mga nakaraang araw. Ali ano ba nangyayari sa'yo?" nag-aalala na talaga kasi ako sa kanya.

"Belle, okay lang ako. Naaalala ko lang kasi yung bilin sa atin ng Mahal na Reyna."

Bilin ni Ina? Hmm.. Isip-isip Belle kung ano bilin ni Ina.. Sabi naman nun ni Ina mag-ingat daw kami, bumalik kami sa kaharian bago magfull moon eh ejo matagal pa naman yung full moon.. Eh ano kaya?? Tumitig lang ako kay Ali dahil hindi ko maalala ang bilin ni Ina na nakapagpaiba kay Ali.

"Diba sabi ng Reyna umiwas tayo sa mga tao? Huwag makigpagsalamuha sa kanila at baka mapahamak tayo?'

"Eh hindi naman tayo napahamak Ali. Tsaka hindi ko talaga maintindihan si Ina kung bakit niya tayo pinapaiwas sa mga tao. Mababait naman sila."

Tama! Hindi ko talaga maisip ang dahilan ni Ina. Ano bang basehan niya sa bilin niya? Dahil ba magkaiba kami, sila tao at kami engkanto? Tss.

"Belle, hindi lahat ng engkanto mababait. Meron ding mga masasama at alam mo yan."

"So?"

"Ganyan din ang mga tao.. may mababait at masasama."

"So kailangan parehas?" sabay taas ng isang kilay ko.

"Haaayy!! Ewan ko sa'yo Belle. Basta bukas na bukas din ay aalis na tayo dito sa bayan. Mejo matagal na din tayo dito."

"Ali naman eh.. Pwede bang next week nalang?"

Pakiusap ko kay Ali. I understand her naman eh kaya lang bakit bigla-bigla kaming aalis dito? Ngayon pa na may kaibigan na ako dito.

Oh ang ganda ng langit! Nakatingala lang ako. Ang ganda ng clouds. Ang aliwalas ng langit. Haaayy!! Ang sarap lang mabuhay..

OUR KIND OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon