PREVIEW

1.2K 17 3
                                    

Sabi niya ay hihintayin niya ako sa tagpuan namin pero bakit hanggang ngayon wala pa siya? Mag-iisang oras na akong naghihintay dito. Asan na ba si Idan? Nakatayo lamang ako dito sa may ilog kung saan lage kaming nagkikita ni Idan.

"BELLE!!"

Narinig kong tawag sa akin. Si Idan nakikita kong tumatakbo. Bakit kaya ngayon lang siya? Ano kayang nagyari? Nang makalapit na siya sa akin ay agad niya akong niyakap.

"Idan!"

"I miss you, Belle. Akala ko umalis ka na."

"May sasabihin ako sa'yo, Idan."

"Ako din. Pero sige mauna ka na."

Ano kaya ang sasabihin ni Idan sa akin? Kinakabahan tuloy ako lalo. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ito. Binigyan lang ako ni Ina ng dalawang oras para kausapin si Idan.

"Ikaw na mauna Belle! Ano ba ang sasabihin mo?"

"Ikaw na. Sige na Idan."

"Belle, sasabihin ko lang na mahal na mahal kita."

Nanlumo ako sa sinabi ni Idan. Alam ko naman na mahal niya ako at ganun din ang nararamdaman ko sa kanya. Pero wala akong magagawa, kailangan kong sabihin sa kanya.

"Idan, patawarin mo ako." :(

"Bakit? Anong nangyari Belle?"

"Marahil ay ito na ang huli nating pagkikita. Idan, itinadhana akong ikasal sa prinsipe ng aming kaharian. Sana ay mapatawad mo ako."

"Sabihin mo sa akin na nagbibiro ka lang Belle."

Hinawakan niya ang kamay ko. Isang mahigpit na hawak. Naaawa ako kay Idan. Hindi siya dapat nasasaktan ng ganito.

"Patawarin mo ako Idan. Paalam."

"BELLE!! Wag mo akong iwan ng ganito. Maawa ka!!"

Niyakap niya ulet ako. Yung yakap na ayaw niya akong pakawalan. Naiiyak na ako pero kailangan kong maging matapang. Hindi niya ako dapat makitang umiiyak. Mas lalong hindi siya papayag na umalis ako at tapusin ang aming relasyon.

"Hindi tayo nararapat sa isa't isa. Tao ka at ako'y isang diwata."

"Hindi pa ba sapat na mahal natin ang isa't isa?"

"Idan, hindi ganun kadali yun. Sana maintindihan mo ang gagawin ko."

"Hindi, Belle. Hindi!"

Bigla nalang ako umalis. Oh sabihin nalang natin na bigla na akong naglaho. Hindi ko kayang makita ang taong pinakamamahal ko na nasasaktan dahil sa akin.

___________________________________________

A/N: Preview lang po iyan! Hihihihi..

Next time na po ang kasunod :"">

Vote. Comment. Be Fan. Mwah.

OUR KIND OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon