Ako nga po pala si Belle. ^^,
Isa akong Prinsesa sa munti naming kaharian. Ito ay ang Kaharian ng mga Diwata.. ang Incendia!
Bata pa lang ako, pinangarap ko ng maikasal sa lalaking mamahalin ko at mamahalin ako ng tunay at dalisay. Palagi kasi akong nakakakita ng ikinakasal sa kaharian namin. Maligaya ako kapag nakakakita ako ng mga ikinakasal. Ang saya-saya kasi nilang tignan. Hihihi.
Ngunit, nagbago ang lahat nang malaman ko na itinadhana akong ipakasal kay Matteo, anak ng matalik na kaibigan ni Ama. Bago pa mamatay ang aking ama, pinagkasunduan na nila na ipakasal kami pagtungtong ko sa edad na 20.
Okay lang naman sana yun sa akin eh, mabait at maginoo naman si Matteo ngunit may ibang tinitibok ang aking puso. Siya ay si Idan, isang mortal.
*
"Belle, anak."
Tawag sa akin ni Ina habang papalapit sa kinatatayuan ko. Pinapanuod ko kasi yung mga batang diwata na naglalaro sa harden.
"Bakit po Ina?"
"Hindi ka dapat magmukmok dito. Kung gusto mo maglakbay ka"
"Po? Pumapayag na po kayo maglakbay ako?"
Matagal ko na kasing hinihiling kay Ina na payagan akong maglakbay. Gusto ko kasing makapunta sa ibang lugar maliban sa aming kaharian at makalimutan ang pagkawala ni Ama.
"Basta ba ay isasama mo si Ali at huwag kayong lumapit sa mga tao."
"Opo Ina. Maraming salamat po!"
Bigla ko nalang niyakap si Ina dahil sa sayang nararamdaman ko. Sa wakas, makakapaglakbay na ako.
Si Ali ay ang kababata ko. Sabay kaming lumaki at malaki ang tiwala ni Ina sa kanya. Kahit saan ako magpunta kasama ko siya. Isang mandirigma kasi si Ali. Malakas siya super. Siya siguro ang pinakamalakas na babae sa aming kaharian.
"Kung ganun, maghanda ka na."
"Salamat po ulet Ina."
Bumitiw na ako sa pagkakayakap kay Ina at mabilis na lumipad pabalik sa aking silid. Excited na ako sa bagong yugto ng aking buhay. Yehey!
Pagkatapos kong maghanda ay pinuntahan ko na agad si Ali. Bukas na bukas din ay aalis na kami. Andun siya ngayon sa may kakahuyan sabi nung isang kawal na pinagtanungan ko.
"Ali!!! Asan ka?"
"ALI!!!"
Napapaos na ako kakasigaw sa pangalan ni Ali. Asan na ba kasi yung babaeng yun? Kung kelan kailangan, siyang wala. Tss. Nagulat naman ako ng may kumalabit sa balikat ko.
"Ako ba ang hinahanap mo, Mahal na Prinsesa?"
Napalingon naman ako agad. Si Ali ang nagsasalita.
"Saan ka ba galing. Paos na ako oh!"
"Patawad po."
Sabay luhod niya sa harapan ko at ang mukha nagpapaawa. Nakakatawa talaga 'tong si Ali. Mukhang baliw. HAHAHA. Kung makapagdrama wagas.
"Papatawarin kita kung sasamahan mo ako."
Tumayo siya! Nakataas ang isang kilay. HAHAHA. Bi-polar si Ali. Bilis makapagpalit ng mood. Nakapamewang pa!
"At saan mo ako dadalhin?"
"Maglalakbay tayo!"
"Ayoko nga!"
"Maglalakbay nga tayo Ali. Ano ka ba?"
"Belle ha, wag ka ngang mag-ilusyon jan!"
"Totoo nga. Naka-usap ko si Ina kanina at pumayag na siya. Kaya wala kang magagawa kundi samahan ako. Maglalakbay tayo!! Hahaha."
![](https://img.wattpad.com/cover/2093496-288-k234871.jpg)
BINABASA MO ANG
OUR KIND OF LOVE
Fantasy(COMPLETED) Isang hindi pangkaraniwang na pag-ibig sa isang taong hindi mo inaakalang magpapatibok ng iyong natutulog na puso. Anong susundin mo? Ang tibok ng iyong puso o ang kapalaran mo? THIS IS OUR KIND OF LOVE.. WHAT'S YOURS?