TULA 1

70 5 5
                                    

'Sekreto'
(MissSanashine)

Sabi ko sa mahal ko ayoko na
'Di na ako masaya sa piling niya
Pagod na ako sa relasyon naming dalawa
May mahal na ko't hindi na siya

Tinaboy ko siyang umalis na
Nakita ko ang mga mata niyang nakakaawa
Tumalikod siya't umalis na
Umalis na punong puno ng luha sa mukha

Ilang buwan ang nakalipas na hindi na kami
Nakita ko siyang masaya kasama ang ibang babae
Kitang kita ko ang mga mata niyang masaya
Masayang-masaya kasama ang iba


Tumulo ang mga luha ko sa nakita
'Di alam kung masaya o malungkot ang aking nadarama
Masaya na 'kong masilayan siya ng malapitan
Kahit gustong gusto ko na siyang lapitan

Sana maunawaan at mapatawad niya ako
Na hindi ko sinabi sa kanya ang totoo
Gusto ko lang siyang masanay na mabuhay na wala ako
Dahil hindi na ako mabubuhay ng matagal sa mundong ito


***


Official hashtag :
#PoetryniSanashine

POETRY NI SANASHINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon