TULA 8

41 5 3
                                    

'Sino ako'
(MissSanashine)

Isang tao na umaapak sa lupa
Maraming inaalala pero hindi nag-iisa
Isang dalagang gustong mapag-isa
Sa gabing tahimik at maraming tala


Ako'y isang taong hindi perpekto
Tahimik pero marami ring mga sekreto
Ang hirap gampanan na maging ako
Lalo na sa mundong napakaraming mapanghusgang tao


Masayahin pero may tinatagong lihim
Sa buhay kong di maalis-alis ang dilim
Ang hirap magpanggap na kaya mo
Lalo na sa mundong ito na sarili mo lang ang kakampi mo


Isang anak na malapit sa ina
Di matago-tago ang sekreto pagkausap ang ama
Ginagawa ang lahat para sa pamilya
Kahit ang kapalit nito'y pighati't pagdurusa


Taong may paninindigan
Nahihirapan pero kinakayanan
Malaki ang pangarap sa buhay
Kaya ginagawa ang lahat para siya'y magtagumpay.

***


Official hashtag :
#PoetryniSanashine

~hope you all like it :)


POETRY NI SANASHINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon