TULA 4

44 5 4
                                    

'Nagmamakaawa'
(MissSanashine)


Umiiyak ako noon sayo
Noong gusto mo nang iwan ako
Noong ipagpapalit mo na ako
Noong may mahal ka't hindi ako


Nagmamakaawa ako sayo
Na mahalin mo pa rin ako
Yung ako lang walang iba
Yung tayo lang,masaya na


Gusto mo na akong iwan
Gusto mo nang lumayo sa'kin
Tapos magigingasaya ka na
Masaya kasama ang iba


Ang dali lang para sayo 'iyan
Pero hindi tulad sa'king naiwang luhaan
Ikaw lang kasi amg minahal ko
Kaya umiiyak ako ng ganito


Sabi ko tayo lang na dalawa
Amg magsasamang masaya
Pero lahat ng pangarap ko sa'ting dalawa
Nakikita ko na 'pag kayo ang magkasama


***


Official hashtag :
#PoetryniSanashine

POETRY NI SANASHINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon