TULA 11

27 2 4
                                    

'Huling Sayaw'

(MissSanashine)

Sa rami nang tao sa mundo

Oo,ikaw ang pinili nang puso ko

Ikaw ang tinitibok nito

At sayo lang ito nagkakaganito


Ang mga tao'y nagsasaya

Tayong dalawa'y magkaharap na

Ang tugtog ay malumanay na

Hindi ko alam kung pa'no magsisimula


Nang sa aking bewang naramdaman ang hawak mo

Nanginig ang mga kamay kong nasa balikat mo

Nagtama ang ating mga mata

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sayo

Kaya tititigan na lang kita hanggang sa matapos ito

Ngumiti ka kaya napangiti na rin ako

Kahit may iba ka nang mahal at hindi na ako

Hindi man tayo ang para sa isa't isa


At sa huli ay hindi man tayo ang magkakasama

Hindi ko ipagkakaila na sa puso ko ikaw pa rin ay nag-iisa

Salamat dahil isinayaw mo ko sa huling pagkakataon kahit di na tayong dalawa


***

Official hashtag:
#PoetryniSanashine

POETRY NI SANASHINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon