TULA 10

35 2 5
                                    

'Nakangiting lumuluha'
(MissSanashine)

Mahal kita,mahal mo siya
Kahit nandito ako't wala siya
Umiiyak sa bisig ko dahil sa kanya
Nakikinig kung gaano mo siya kamahal sinta.

Mahal kita,mahal mo siya Masakit pero alam kong sa kanya ka sasaya
Andito ka nga pero bukambibig mo siya
Mahal kita kaya masaya 'kong nasa tabi kita.
Mahal kita,mahal mo siya Mahal ka niya pero mahal din naman kita

Ba't di mo 'ko kayang mahalin 'tulad ng kanya?
Mahal kita kahit alam kong mahal na mahal mo siya.
Mahal kita,mahal mo siya Mahal kita pero alam kong di ka sa'kin sasaya
Mahal kita kaya pinaparaya na kita

Ang sakit-sakit na pero mahal pa rin talaga kita.
Mahal kita kahit iba ang mahal mo sinta
Mahal kita kahit masakit makita kayong magkasama
Mahal kita pero hindi mo ako makita-kita
Mahal,masaya akong makita kang masaya kahit siya ang 'yong kasama.

***

Official hashtag:
#PoetryniSanashine


~Sorry dahil ngayon lang ulit nakapag-update,busy kasi sa school so ayun.

Enjoy reading and don't forget to vote and comment : )

POETRY NI SANASHINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon