'Ang Sabi Nila'
(MissSanashine)Ang sabi nila magaling ako
Estudyanteng simple pero matalino
Nasasagot lahat mga katanungan ng guro
Nagbabasa't mag-isang nakaupoAng sabi nila hindi daw ako mahilig magsalita
Laging pinipilit na magtanong pag ang guro'y nagsasalita
Ba't daw ang hirap kong magsalita sa harap nila
Gayong matalino naman daw ako't may ibubugaAng sabi nila perpektong estudyante ako
Isang estudyanteng kailanman di mazezero
Kala ko'y naiintindihan na nila ako
Pero hanggang ngayon wala pa ring nagbabagoIsa lamang akong simpleng tao
Masipag mag-aral kaya nasasabihang matalino
Estudyanteng minahal na ang libro
Kasa-kasama lalo't kapag nag-iisa akoNag-aaral di para mapansin ng iba
Ngunit dahil gusto ko ang aking ginagawa
Mas pinipiling mag-aral sa sulok na tahimik
Maraming nasa isip pero hindi umiimikDahil sa kanilang mga magagandang sinasabi
Ako ngayo'y takot ng mapahiya at magkamali
Ang gusto ko lamang ay makakuha ng mataas na marka
Hindi magagandang papuri galing sa madla'Yun ang kanilang mga sinasabi
Sa aking pagkatao bilang estudyante
Ngunit isa lamang akong simpleng estudyanteng nag-aaral ng maigi
Para maabot ang pangarap hindi para mapuri.***
Official hashtag:
#PoetryniSanashine