TULA 3

49 6 5
                                    

'Break'
(MissSanashine)

Minahal natin ang isa't isa
Nagsama pa tayong masaya
Akala ko hindi tayo kayang wasakin
Dahil ang alam ko itinadhana ka para sa'kin


Hindi ko akalain na tayo ay nawasak
Kaya ang puso ko ngayon ay parang sinasaksak
'Di sana ako naniwala sa sinabi mo
Na ako lang ang laman ng puso mo


Ang sakit palang malaman ang isang bagay
Na hindi ka minahal ng mahal mong tunay
Ang sakit marinig ang mga salitang 'break na tayo'
Lalo na kung galing sa mahal mong tao


Ang relasyon namin ay nawasak
Tulad ng basong binagsak
Hindi sana ako nakumbinsi
Na isa kang taong mabuti


Sabi mo sa'kin walang bibitaw
Pero ikaw mismo ang unang umayaw
Sabi mo mas magandang tapusin na
Kaysa umasa pa ako na babalik ka pa.


***

Official hashtag :
#PoetryniSanashine


POETRY NI SANASHINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon