Chapter 1
Yue's P.O.V.
Nakita ko si papa, tumatakbo siya kasama ang isang batang lalaki. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayare. Tinawag ko si papa pero hindi siya lumilingon. Para bang wala lang siyang nadinig. Tuloy-tuloy pa din ang pag-takbo nila ng batang kasama niya papasok sa kagubatan. Sinundan ko sila ngunit bago pa man ako makapasok sa kagubatan ay biglang sumiklab ang napakalaking apoy. Sa kapal ng usok ay wala na akong maaninag.
"Papa!! Asan ka papa?! " sigaw ko habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata. Nag-patuloy lang ako sa pagsigaw ng pangalan ni papa hanggang sa mawalan na ako ng boses.
Namulat na lang ako na nasa ibang lugar na ako. Para bang nasa tuktok ako ng isang bundok kung saan kitang-kita ang bilog na buwan. Sa di kalayuan ay may nakita akong dalawang malaking lobo na nag-aaway. Hindi ako makagalaw dahil sa takot. Huminto sila sa pag-aaway at lumingon sa direksyon ko. Bigla na lamang silang nag-anyong tao.Nakatalikod sila sa liwanag ng buwan kaya naman hindi ko maaninag ang kanilang nga mukha. Ang tangi ko lang nakikita ay ang mapupula at nanlilisik nilang mga mata.
Naalimpungatan ako ng biglang may kumagat na lamok sa pisngi ko. Nananaginip na naman ba ako? Siguro nga. Lagi ko na lamang napapanaginipan iyon simula ng mag-birthday ako nung isang buwan. Nilingon ko ang orasan sa tabi ko. Ala sais na pala ng umaga.
Bumangon ako at nag-ayos na para pumasok sa school. Hindi pa din mawala sa isip ko ang panaginip ko. Bakit ba gabi-gabi ko na lang napapanaginipan yun? Sino yung batang kasama ni papa? Nasosobrahan na ata ako sa kakabasa at kakapanuod ng tungkol sa werewolves kaya hanggang sa panaginip ko nandun pa din sila.
Lumaki ako kasama ang papa ko. Hindi ko na nakilala ang mama ko dahil namatay ito sa panganganak sakin. Kaya naman si Papa ang tumayong ama at ina ko. Kaso isang araw natagpuan ang sunog na bangkay ni papa. Walang nakakaalam kung sino ang may sala sa pagkamatay niya. Siyam na taong gulang pa lang ako ng mangyari iyon. Simula noon ay namuhay na akong mag-isa. Kinaya ko naman dahil sa pamana na iniwan sakin ni papa, pero di ko pa din maiwasang umiyak sa gabi dahil sa pangungulila sa kanya. Ngayon ay 18 na ako at 2nd year college student.
First day of school ngayon at panibagong school na naman ang papasukan ko. Nabalitaan ko kasi na may mga werewolves daw na pagala-gala sa school na iyon. Alam ko namang malabong magkatotoo yun pero di naman masamang umasa diba? Nag-simula tong addiction ko sa werewolves dahil kay papa. Lagi niya kasi akong kinukwentuhan ng tungkol sa kanila. Kaya naman sa tuwing nagbabasa o nanunuod ako ng palabas na tungkol sa werewolves, feeling ko kasama ko si papa.
Matapos ang isang oras ay handa na akong pumasok. Malapit lang sa bahay ko ang school na papasukan ko ngayon kaya naman mga 20 minutes lang na biyahe ay nakarating na ako dun.
Nakita ko ang napakalaking gate ng school kung saan makikita na nakasulat ang pangalan nito. "Lycan University" mahina kong sabi habang binabasa ang nakasulat. Ang cool naman ng pangalan ng school na'to.
Pumasok na ako kasabay ang ilan-ilang estudyante. Mabagal lang ang aking pag-lalakad sapagkat hindi pa ako pamilyar sa lugar. Dahan-dahan kong sinusuri ang paligid. Dalawa lamang ang mga gusali dito pero masasabi kong malalaki ang mga iyon. Napaliligiran din ng mga puno ang paligid. Tila ba hiwalay sa magulong siyudad sa labas ang paaralan na ito sapagkat mukhang itinayo ito sa gitna ng kagubatan. Hindi ko alam pero parang may dark aura na nakapalibot sa school na'to. Is it just my imagination or what?

BINABASA MO ANG
Falling For A Werewolf (EXO Fan Fiction)
RomanceMahirap mag-mahal. Komplikado ang lahat ng bagay-bagay. Pero pano kung hindi pa isang ordinaryong tao ang mamahalin mo? Kakayanin mo pa kaya?