The day starts a little early here. Six o'clock pa lang ng umaga ay madidinig na ang pagwawalis at masasayang kwentuhan ng mga kapitbahay. Agad akong bumangon upang tumulong sa paghahanda ng almusal.
Pagkalabas ng kwarto ay sinalubong agad ako ng amoy ng brewed coffee at boses ng mga kalalakihang nagtatawanan. Nagtungo ako sa kusina at tumambad sakin ang buong EXO na nakaupo sa hapag. Nagkasya sila dahil malaki ang lamesa nila mang Bert.
"Good morning Yue!" Masiglang bati ni Chanyeol. "Dito ka o." Hinali niya ako sa upuan na katabi ng sakanya.
Nakahain sa hapag ang mainit na kape, pandesal at kesong puti. Wow, ang tagal ko ng hindi nakakatikim ng kesong puti. Papa used to bring lots of this when he was still alive.
"Pasensya na iha at nandito silang lahat ha? Sadyang sanay lang ako na imbitahan sila mag-almusal dito."wika ni aling Sol.
"Naku wala pong problema sakin yun."
Kai was in front of me and when our eyes met he smiled timidly before greeting me.
"Good morning."
Binati ko din naman siya at ang iba pang nasa hapag. Nag-simula na kaming kumain, as expected the goat cheese was glorious. Kalasa ito ng laging inuuwi ni papa.
"Kai hijo, nagkita na ba kayo nila Atong? Naku kahapon pang-sabik ang mga batang yon makita ka."
"Hindi pa nga po e. Mamaya po siguro, ibibigay ko din kasi yung pasalubong ko sa kanila."
"Paniguradong matutuwa ang mga yun kapag nakita ka nila."
Hindi ako makapaniwala sa nadidinig ko, ibang-iba ang nakilala kong Kai sa Kai na nasa harapan ko ngayon. If it were the old Kai he would definitely expel impoliteness. Maybe it's just the place, masyadong peaceful at relax ang lugar na ito na talaga namang nakakahawa. They even managed to tame all these wild beasts, no wonder maging ang alpha napaamo din nila.
"Aling Sol the best talaga tong kesong puti niyo!"
Natuwa naman si aling Sol dahil sa sinabi ni Chen.
"Salamat hijo. Sige babaunan ko kayo nito pag-uwi ninyo."
"Yes! Damihan niyo po ha?"
After eating breakfast nagsipag-balikan na ang EXO sa kani-kanilang tinutuluyang bahay, except Kai. Nanatili siya upang makipagkwentuhan pa kay aling Sol at mang Bert.
"Nay bakit di ko ata nakikita ngayon sila Atong?" Tanong ni Kai.
"Ah nasa taniman siguro ngayon ang mga yon. Sabado kasi, araw ng pagtatanim at pagdidilig."
"Ganun po ba? Sige pupuntahan ko na lang po sila don."
"Mabuti pa nga. Yue, sumama ka na din kay Kai para malibang ka naman."

BINABASA MO ANG
Falling For A Werewolf (EXO Fan Fiction)
RomanceMahirap mag-mahal. Komplikado ang lahat ng bagay-bagay. Pero pano kung hindi pa isang ordinaryong tao ang mamahalin mo? Kakayanin mo pa kaya?