Third Person's P. O. V.
Nang makita ang nangyari kay Yue agad na napatigil si Luhan at sa paglalaro at tumakbo papunta sa kinaroroonan ng dalaga.
"Tol, san ka pupunta? Di pa tapos yung game." Pahabol na tawag ng isa sa team mate ni Luhan sa kanya na hindi niya pinansin sa halip ay nag-patuloy lang sa pag-punta kay Yue.
Sa di kalayuan kung saan nag-lalaro ang EXO nakita ni Kai ang kaguluhang nagaganap. Agad niyang natanaw ang nakaupong si Yue. Binitiwan niya ang bolang idinidribble at tumakbo papunta doon.
Wala ng malay ang dalaga ng makarating ang dalawa. Unang dumating si Luhan. Hinawi niya ang nga babaeng nakapalibot kay Yue. Napuno siya ng pag-aalala ng makita ang sinapit ng dalaga. Hindi niya maintindihan ngunit parang gusto niyang parusahan kung sino man ang may gawa nito kay Yue ngunit alam niyang walang maidudulot itong maganda. Binuhat niya ito upang ipunta sa infirmary.
"Tabi! Let me pass!" Malakas na sigaw ni Kai na naging dahilan para mahawi ang mga nakikiosyisong mga kaklase. Nakita niyang buhat-buhat na ni Luhan si Yue.
"Tch. Naunahan na naman ako." Bulong niya sa sarili. Ibinaling na lang niya ang pagkainis sa mga kaklase.
"Who did that to her?!" -Kai
Hindi makaimik ang mga kaklase niya dahil sa takot.
"Tell me or else i'll punish you all!" -Kai
Nilapitan siya ni Suho upang pakalmahin.
"Kai tama na yan. Aksidente ang nangyari." -Suho
"Oo nga. Mabuti pa sundan mo na lang siya sa infirmary." Dagdag pa ni D.O.
"Wala akong pake kung aksidente ito o hindi basta may mananagot!" -Kai
Lumabas na si Kai ng gym at sumunod kina Yue at luhan sa Mediocris building kung nasaan ang infirmary.
--------------------
Agad na sinalubong ng nurse si Luhan na buhat-buhat ang walang-malay na si Yue.
"Anong nangyare sa kanya?" Tanong ng nurse.
"Natamaan siya ng bola at nawalan ng malay." -Luhan
"Okay. Ihiga mo siya diyan sa kama." -Nurse.
Naihiga na ni Luhan si Yue sa kama ng dumating si Kai.
"How is she??" -Kai
"She's doing fine. Don't worry about her." Sagot ng Nurse.
"Bakit hindi pa siya nagigising?? Okay lang ba talaga siya? Kelan siya magkakamalay??" -Luhan.

BINABASA MO ANG
Falling For A Werewolf (EXO Fan Fiction)
RomanceMahirap mag-mahal. Komplikado ang lahat ng bagay-bagay. Pero pano kung hindi pa isang ordinaryong tao ang mamahalin mo? Kakayanin mo pa kaya?