Chapter 5
Yue's P.O.V.
Maaga akong nakapag-handa para pumasok sa school. Sinarado ko ang pinto at dinouble check kung nakalock na ito. Pagkalabas ko sa gate ay nakita ko si Luhan na nakasandal sa may pader habang nakapamulsa at nakikinig ng music sa kanyang earphones. A-ang cool niya tignan. Bakit siya nandito?
Mukhang di pa niya ako nakikita dahil nakayuko siya kaya naman ako na ang lumapit sa kanya.
Tinapik ko siya ng mahina at iniangat niya ang tingin niya sakin. Tinanggal niya ang earphones sa tenga niya.
"Bakit ka nandito?" -Ako
"Sinusundo kita." -Luhan
"Eh? K-kaya ko namang mag-punta sa school mag-isa." -Ako
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Naku naman, kung hindi nakapoker face ang grumpy naman niya. Tsk. Di ba uso sa kanya ngumiti?
"Halos isang oras ako nag-intay sayo tapos ayaw mo sumabay?" -Luhan
Isang oras? Tinignan ko ang relo ko. 6:00 am pa lang naman ah??
"Hindi ko kasi alam kung anong oras ka pumapasok kaya inagahan ko ang punta ko." Agad niyang sabi pagkatingin ko sa relo ko.
"Eh??" -Ako
"Wala ka na bang ibang sasabihin kundi eh? Tsk. Tara na nga." Hinila niya ako papunta sa isang sasakyan. Sa kanya ba ito? Mayaman siguro si Luhan. Bakit ko kamo nasabi yun? Isa lang naman Aston Martin ang nakaabang samin sa di kalayuan. Ang ganda ng sasakyan niya. Nakakahiyang sumakay.
Nang makarating na kami sa sasakyan niya ay pinag-buksan niya ako ng pinto.
"Sakay na." Sumunod na lang ako sa kanya. Ayos na din toh at least tipid pamasahe. Inistart niya na ang engine at nag-simula na kaming umandar.
"Put your seat belt on." Sabi niya sakin habang nakatingin lang ng diretso sa daan. Inabot ko ang seat belt sa gilid at inayos ito. Pansin ko lang ha? Ang hilig akong utusan ng mga lalaking toh. Kahapon si Kai ngayon naman si Luhan.
Tahimik lang kami sa biyahe. Wala naman kasi akong masabi sa kanya. Hindi naman kasi ako tulad ng iba na ang dami-daming kwento na para bang hindi nauubusan ng topic sa utak.
Hindi din naman siya nag-sasalita. Nakafocus lang siya sa pagdadrive.
Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin na ang messy ng buhok niya pero imbis na pumanget siya ay mas lalo pa siyang naging cool sa paningin ko.
"Baka matunaw na ako niyan." Sabi niya at ngumiti ng konti. Natauhan naman ako dahil dun at agad lumingon sa may salamin at nag-kunwaring tumitingin sa labas. Teka lang, ngumiti ba siya kanina o imahinasyon ko lang yon?

BINABASA MO ANG
Falling For A Werewolf (EXO Fan Fiction)
RomanceMahirap mag-mahal. Komplikado ang lahat ng bagay-bagay. Pero pano kung hindi pa isang ordinaryong tao ang mamahalin mo? Kakayanin mo pa kaya?