Chapter 6
Yue's P.O.V.
Maaga kami dinismiss ng professor namin kaya naisipan kong pumunta sa grocery upang mamili ng ingredients para sa lunch namin ni Luhan bukas. Err. Ang awkward pakinggan.
Nakalabas na ako ng school at dumiretso sa malapit na mall. Agad akong nagtungo sa supermarket. Kukuha na sana ako ng basket ng may kamay na umabot din dito. Bale pareho naming hawak yung basket. Tinignan ko kung sino ito.
"Chanyeol?" -Ako
"Yue?" -Siya
Sabay naming sabi. Ibinigay na niya sakin ang basket at kumuha na lang ng panibago.
"Anong ginagawa mo dito?" Sabay na naman naming tanong. Natawa naman kami dahil dito.
"I'm just picking up some stuff. How about you?" -Chanyeol
"Mag-gogrocery ako. Ubos na ang pagkain sa bahay e." -Ako
"Ahh, ganun ba. Is it okay to join you?" -Chanyeol
"Sige, ayos lang." Sagot ko sa kanya.
Sabay na nga kaming nag-grocery. Hindi naman nakakailang kasama si Chanyeol dahil di siya nauubusan ng topic. Mukhang okay lang din naman sa kanya na paminsan-minsan lang ako nag-sasalita. Like what i've said mukhang mabait naman talaga ang mga members ng EXO, maliban lang talaga kay Kai.
Napadaan kami sa section kung saan maraming junk foods. Dali-dali ko naman pinuno ng sari-saring sitsirya ang basket ko. Napahinto lamang ako ng mapansin kong tinitignan lang ako ni Chanyeol na para bang hindi makapaniwala.
"O bakit?" -Ako
"Para kang bata. You know too much of these stuff is not good for your health." Sabi niya na naiiling-iling.
Bigla ko naman naalala yung gabi na nasa convenience store kami ni Luhan. Ganun din ang sinabi niya sakin e. I pushed away that thought. Bakit ko ba naiisip si Luhan?
Hindi ko namalayan na ibinalik na pala ni Chanyeol ang ibang kinuha ko at nag-tira na lang ng kakaunti.
"Hey! Ako naman ang mag-babayad niyan e." Sabi ko at ngumuso.
"Silly girl. Tama lang yang itinira ko sayo. Mamaya magkasakit ka na sa bato kapag kinain mo lahat ng yun." Sabi niya sabay ginulo ang buhok ko. Naman e. Di na nga ganun kagandahan ang buhok ko, lalo pa niyang ginulo.
Hinila niya ako at napadaan naman kami sa mga drinks. Kuminang naman ang mga mata ko ng makakita ako ng Mogu-mogu. Sabay kaming kumuha.
"Mahilig ka din dito?" -Chanyeol
Tumango-tango ako. Nag-punta naman kami sa meat section.

BINABASA MO ANG
Falling For A Werewolf (EXO Fan Fiction)
RomanceMahirap mag-mahal. Komplikado ang lahat ng bagay-bagay. Pero pano kung hindi pa isang ordinaryong tao ang mamahalin mo? Kakayanin mo pa kaya?