Chapter 2
Yue's P.O.V.
Nakauwi na ako sa bahay. As usual mag-isa na naman akong kakain ng hapunan. Matapos kong kumain ay niligpit ko ang kinainan ko at umakyat na upang mag-tungo sa kwarto ko.
Matapos akong makapag-linis ng katawan at mag-handa sa pag-tulog ay pinatay ko na ang ilaw at humiga na ako sa kama.
Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Luhan kanina. Bakit niya ako pinaiiwas sa grupo nila Kai? Mga gangster ba yung mga yun? O baka naman sila ang mga bully sa school?
Hayy, bahala na nga lang. Wala naman talaga akong balak lumapit sa mga yun e.
Patay na ang ilaw sa kwarto ko pero maliwanag pa din dahil sa sinag na nag-mumula sa bilog na buwan.
Full moon pala ngayon. Kagaya lang ng sa panaginip ko. Kinilabutan ako ng maalala ko ang dalawang pares ng pulang mata na nakatingin sakin sa panaginip ko. Pakiramdam ko totoo talaga sila.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatingin lang sa kisame hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Nandidito na naman ako sa may tuktok ng bundok. Agad kong tinignan ang paligid upang hanapin ang dalawang lobong nag-lalaban, ngunit di gaya ng dati hindi ko sila makita.
Isang lalaki ang naaninag ko sa di kalayuan. Nakatalikod ito kaya di ko makita ang kanyang mukha. Natatakot man ay kusang gumalaw ang aking mga paa patungo sa direksyon kung nasaan siya.
Habang papalapit ako ng papalapit ay tila nagiging pamilyar sakin ang lalaking ito.
Laking gulat ko ng humarap siya sakin. Di ko napigilang mapaiyak dahil dito.
"P-papa??" Nanginginig ang boses ko dahil sa pag-iyak.
"Yue, anak ko." Sabi ni papa at niyakap niya ako.
"Papa" yun lang ang tangi kong nasabi habang niyayakap si papa. Sobra ko siyang namiss.
Kumalas din kami sa pagkakayakap.
"Napakalaki mo na, anak ko. Namiss kita ng sobra." -papa
"Ako din po papa. Miss na miss ko po kayo. Please bumalik na po kayo. Gusto ko na kayong makasama." -Ako
"Gustuhin ko man ay alam natin pareho na hindi ito maari. Ngunit huwag mong isipin na pababayaan kita, anak ko. Ipinagkatiwala ko sa kanya ang kaligtasan mo. Alam kong iingatan ka niya, Yue ko." -Papa
"Naguguluhan po ako papa. Sino po ang tinutukoy niyo?? Bakit po ako kailangan protektahan??" -Ako
"Malalaman mo din ang mga kasagutan sa iyong mga tanong sa tamang panahon. Kailangan ko ng mag-paalam, anak ko. Lagi mong isipin na binabantayan kita mula sa kabilang buhay. Mahal na mahal ka ni papa, Yue" -Papa

BINABASA MO ANG
Falling For A Werewolf (EXO Fan Fiction)
RomanceMahirap mag-mahal. Komplikado ang lahat ng bagay-bagay. Pero pano kung hindi pa isang ordinaryong tao ang mamahalin mo? Kakayanin mo pa kaya?