Chapter 4

217 9 5
                                    

Chapter 4

Yue's P.O.V.

Kinikilabutan pa din ako tuwing maaalala ko yung text sakin ni Kai. Tss. Anong tingin niya sakin laruan lang na pwede niyang makuha kung kelan niya gusto?

Nakarating na ako sa room. Wala sa sarili akong nag-tungo sa upuan ko. Nandoon na kagad ang katabi kong si Luhan na naka-earphones. Tumingin siya saglit sakin at tumango naman ako sa kanya bilang pag-bati.

Maya-maya pa ay nag-sidatingan na ang EXO. Kinabahan ako ng hindi na lang si Kai ang nakatingin sakin kung hindi lahat sila.

Akala ko ay didiresto na sila sa upuan nila sa likod ngunit nagkamali ako. Naunang mag-lakad si Kai at nag-tungo siya sa tapat ni Luhan.

"Tabi, diyan ako uupo." Mariin niyang sabi kay Luhan.

Tinanggal ni Luhan ang earphones niya at tumingin kay Kai.

"Sorry but this seat is already taken." -Luhan

Nadinig kong nag-gasp ang mga kaklase ko. Para bang di sila makapaniwala sa sinabi ni Luhan. Tinignan ko naman yung ibang EXO at nakita kong iiling-iling sila habang nakasmirk.

"I can get any seat that I want." -Kai

"I know, but not my seat." -Luhan

Halatang naaasar na si Kai kay Luhan. Naku naman Luhan baka mapahamak ka pa niyan e.

"Tss. May araw ka din sakin, Omega" -Kai

Humila si Kai ng upuan sa likod at itinabi ito sa kabilang gilid ko. Bale nasa gitna ako ngayon ni Luhan at Kai.

Nag-punta ang ibang EXO sa likuran namin.

"Guys please vacate your seat. From now on dito na kami uupo." Mahinahong sabi nung maputi na maliit.

"O-opo." At agad namang nag si alisan ang mga nakaupo sa likuran namin. 

"Ngayon wala ka ng takas sakin." Sabi ni Kai.

Hindi ako makapag-salita. Natatakot ako na baka pag-sinagot ko na naman siya ay tuluyan na siyang magalit at saktan ako.

"Kulungan nga natatakasan, ikaw pa kaya." Dahan-dahang tumingin si Luhan kay Kai at nag-smirk.

Nag-sukatan ng tingin ang dalawa. Napaka awkward para sakin dahil nasa gitna nila ako. Buti na lang at dumating na ang professor namin at nabaling sa kanya ang atensyon naming lahat.

Natapos ang mga klase ko sa umaga. Lunch break na. At dahil wala pa akong kaibigan sa school na'to mag-isa lang akong nag-puntang cafeteria.

Naka-order na ako ng pagkain. Medyo madami ng tao sa cafeteria kaya nahirapan akong mag-hanap ng upuan. Nakita kong may bakanteng table pa sa gilid kaya naman nag-tungo ako dun.

Falling For A Werewolf (EXO Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon