Chapter 3

229 11 4
                                    

Chapter 3

Yue's P.O.V.

Binitawan lang ni Luhan ang kamay ko ng makalabas na kami sa gate ng school. Humarap siya sakin na nakakunot ang noo.

"Tss. Sinabi ko na sayong lumayo ka sa kanila. Mahirap bang gawin yon?! " -Luhan

"S-sorry. Wala naman talaga akong intensyon na lumapit sa kanila e. Kaso sumosobra na yung Kai na yon. Pati professor natin hindi na niya iginalang." -Ako

"Kaya niyang gawin kung ano man ang gusto niya. Hindi mo ba napapansing walang lumalaban sa kanya?" -Luhan

"Kung ganon bakit mo ko tinulungan laban sa kanya kanina?" -Ako

"Walang ibig sabihin ang pag-tulong ko sayo." -Luhan

"Ano ba talaga ang EXO? Ano ba si Kai? Bakit ganun na lang kung katakutan niyo sila?" Naguguluhan tanong ko sa kanya.

"Hindi ako takot sakanila. Ayoko lang pumasok sa gulo nila." -Luhan

"Ano ba kasi sila dito ha?? " -Ako

"Aish. Wala ka ba talagang kaalam-alam tungkol sa school na pinasukan mo?? Kailangan ko pang iexplain sa'yo ang lahat??" Mukhang naiinis na siya dahil sa mga tanong ko.

"Mag-tatanong ba ako kung alam ko?? Pumasok lang naman ako dito dahil bali-balita na may mga werewolves dito, gusto ko lang malaman kung totoo." -Ako

"Pano kung sabihin ko sayong totoo nga ang balitang yon, maniniwala ka ba?" -Luhan

Natigilan ako saglit dahil sa sinabi niya.

"Kita mo na. Hindi mo alam kung anong klaseng paaralan tong pinasok mo. Kaya mag-iingat ka." -Luhan

And with that umalis na siya sa harapan ko.

Umuwi na lang ako sa bahay at ginawa ang mga assignments ko. Mag-gagabi na ng matapos ako. Bumaba ako para mag-luto ngunit wala ng laman ang ref ko. Chineck ko rin ang cup boards ngunit wala din tong laman. Hayy, nakalimutan ko pa lang mag-grocery.

Lumabas na ako para pumunta sa malapit na convenience store. Madilim na sa paligid. Tanging ilaw na lang sa post lights ang nag-sisilbing liwanag.

Ewan ko ba pero habang nag-lalakad ako pakiramdam ko ay may nakatingin sakin. Lumingon-lingon ako para tignan ang paligid pero wala namang ibang tao. 

Sa di kalayuan ay may nakita akong lalaking nakasandal sa post light. Para bang iniintay niya ako. Natakot ako kaya lumihis ako ng daan para hindi ko siya madaanan. Ngunit bago pa man ako malayo ay naramdaman kong may kamay na humawak sakin. Nilingon ko kung sino iyon.

"K-kai??" Nangangatal kong sabi.

"Oohh. Why are you shaking? Scared of me?" Maangas niyang sabi at nag-smirk pa talaga.

Falling For A Werewolf (EXO Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon