Chapter 7
Yue's P.O.V.
Kinabukasan mas malaking bag ang dala ko. Pano ba naman tatlong tupperwares na may lamang meatball spaghetti and dala ko. Isa para kay Luhan, isa para kay Chanyeol at siyempre isa para sakin.
It's already lunch time kaya inaya ko si Luhan na dun na lang kami kumain sa may school garden. I also brought a piece of cloth para may pag-latagan kami ng mga pagkain.
"Ako ng mag-bubuhat niyang bag mo." Sabi ni Luhan at kinuha niya sakin ang bag ko. Nakakatawa lang tignan. Ang cool ng dating niya pagkatapos may dala-dala siyang pink na backpack.
"Bagay sayo." Pang-aasar ko.
"Tss. Ako na nga tong tumutulong, inaasar mo pa ako." -Luhan
"Joke lang naman." Sabi ko sabay peace sign.
Sakto namang nakasalubong namin si Chanyeol at Baekhyun sa may hallway.
"Yue!" Tawag sakin ni Chanyeol at tumakbo papalapit sa amin.
"Ui Chanyeol. Eto nga pala." Kinuha ko yung isang tupperware sa loob ng bag at iniabot sa kanya.
"Wow! Mukhang masarap. Thanks!" -Chanyeol
" Dude bagay sayo ang pink." Pangaasar niya kay Luhan.
"Tingin ko bagay sayo ang black. Gusto mo lagyan ko yang mata mo?" Ganti naman ni Luhan.
"Haha. Chill lang. Joke lang naman yun." -Chanyeol
"Oy ano yan? Bakit si Chanyeol meron tapos ako wala?" Sabi ni Baekhyun.
"Ah. Eh. Nagpaluto din kasi siya sakin. Hindi ko naman alam na gusto mo din."
"Eh? Pwedeng mag-paluto sayo?" Tanong ni Baekhyun habang nakangiti.
"Hindi pwede. Ano ka, chicks? Tara na, Yue." At hinila na nga ako ni Luhan palayo sa dalawa. Medyo natawa ako dahil sa sinagot niya.
"Ui, teka lang. Bitiwan mo nga ako. Kaya ko naman mag-lakad." Utos ko sa kanya.
Binitiwan niya ako at nag-patuloy sa paglalakad.
"Problema mo?" Tanong ko sa kanya habang hinahabol ang paglalakad niya.
"Tss." -Luhan
Nakarating kami sa school garden ng walang imikan. Kinuha ko ang bag ko sa kanya at inilabas yung tela para ilatag. Kinuha ko na din yung dalawang tupperware at mga kubyertos at inilapag ito.
"Kain na." -Ako
Tahimik siyang umupo at kumain. Ganun na din ang ginawa ko. There was an awkward silence between us.

BINABASA MO ANG
Falling For A Werewolf (EXO Fan Fiction)
RomanceMahirap mag-mahal. Komplikado ang lahat ng bagay-bagay. Pero pano kung hindi pa isang ordinaryong tao ang mamahalin mo? Kakayanin mo pa kaya?