dedicated to all readers.
Thank you very much for you support.
**.**
Chap 7 Kabiguan
Patungo na sana si Lyka sa kanyang sunod na klase, sa di inaasahan may naririnig siya sa kanyang pagliko sa may kanan banda ng kanyang daanan. Kaya agad siyang napahinton at napabalik sa kinaroroonan, kilala niya ang boses kay Noel ito at sa grupo ng mga kababaehan.
"Ako pa, kailan ba natatalo sa pustahan natin,"payabang na sabi ni Noel sa mga kausap.
"Baka naman sweetie, sinabi mo lang iyan para di kita paghinalaan, nahulog na ang loob mo sa hampaslupang iyon," malanding sabi ng babae.
"Sweetie, kailan ba kita hindi napagbigyan sa gusto mo, alam na alam mo naman mahal na mahal kita lalo na sa pagdating sa kama," patawang sabi ni Noel.
"Oh ayan ha, limang libo, pusta ko, ibigay ni Karina ang kanyang katawan sa akin. Nakagigil pa naman ang puta na yon, likas mangbitin, kaya itong si junior ko nagagalit tuloy, kay sweetie tuloy naibuhos ang sabik. Sulit naman dahil magaling ang sweetie ko," sabay halik sa labi ni Noel sa babae at nag-eenjoy naman ito sa kanyang ginawa.
Hanggang wala na mga ito saka na lumabas si Lyka sa kanyang pinagtaguan, kaya agad niyang hinahanap si Karina para ibalita ang kanyang nalalaman tungkol sa kanyang nobyo, buti na lang may video ang kanyan celphone at nakunan ang pag-uusap, ayaw kasi niyang masabihang sinungaling.
Tatlong oras na ang nakalipas ay hindi pa niya nakita si Karina kaya pumasok muna siya sa kanyang klase . Pagkatapos ng kanyang klase ay doon pa niya nakita si Karina lalapitan sana niya kaso biglang sumulpot ang nobyo nito at pumulopot agad ang braso sa baywang ni Karina. Kung titingnan parang walang masamang balak ang lalake sa kasintahan. Hinayaan muna ni Lyka ito dahil alam niyang saglit lang ang lalake sa piling ng kanyang kaibigan. Tahimik lang siyang nagbabantay at patay malisya siyang nagbabasa ng libro hanggang umalis na si Noel kaya agad pinuntahn ni Lyka si Karina.
"Karina," bati niya sa babae at agad hinawakan ni Lyka ang braso at hinila sa malayuan, may pagtataka man si Karina hinayaan lamang niya ito parang may mahalagang sadya ang kanyang kaibigan.
"Huwag kang magalit sa akin ha , hindi ko sinasadya marinig ang kanilang usapan, hindi naman ako tsismosa, narinig ko kasi ang iyong pangalan, kaya pinakinggan ko na rin sila, ikaw na bahala kung ano ang masasabi mo sa aking nasaksihan pagkatapos mong mapanood ang nasa bidyong kuha ko," paliwanag ni Lyka sa kaibigan at binigay niya ang kanyang celphone at piniplay ang bidyo na kuha.
Tahimik lang si Karina habang pinanood ang bidyo, mapansin ang mahigpit pagkahawak sa celphone na akala mo'y dudurugin. Nang matapos ang pinapanood pinikit ni Karina ang kanyang mga mata at isang malalim na hininga ang pinakawalan.
"Salamat sa iyo Lyka, at nalaman ko ang tunay na anyo ng fake kong nobyo, matagal na pala akong niloloko, akala nila iiyak ako sa kanilang harapan, nagkakamali sila. Gusto nila ng gulo, pagbibigyan ko sila. Ako si Karina Samonte walang kinatakutan. They want war, I'll give it to them." Matigas pagkasabi ni Karina at ramdam ni Lyka ang galit nito.
"Ito gagawin natin, dahil ikaw ang nagbalita sa akin, sabit ka na rin sa gagawin ko, wag ka mag-alala di ka masasaktan, kaibigan kita," ngiting sabi ni Karina, pansin kasi niya kinabahan si Lyka sa kanyng sinabi.
"Planohin natin ang kaganapan, ako bahala sa iyo," panigurado ni karina, "sa ngayon ikakain na lang natin yong nalalaman, ayaw kong ma-e-stress dahil papangit ako," patawa niyang sabi. Kaya tumawa na rin si Lyka at nilisan nila ang unibersida at pumunta sila sa isang food chain, kung ano -ano ang kanilang inoorder, basta kaya nilang ubosin, natutuwa naman si Lyka dahil busog naman siya at nakatitipid.
Sa bahay nila Karina nilahad niya sa ina ang pangloloko ng nobyo, nasasaktan siya dahil napamahal na ito sa kanya. Umiyak siya habang sinasabi sa ina, tahimik lang si Mrs. Samonte pero nanagis ang panga nsa galit.
"Gusto mo bang ipaghigante sila anak, sa lahat ayaw na ayaw kong sinasaktan ka o nasasaktan. Kung hindi mo kaya ako ang maniningil sa kanila." Galit na pagkasabi ni Mrs. Samonte.
"No mom, ako ang magbibigay leksyon sa kanila, kailangan ko matotong harapin ang ganitong problema, paano na lang kung wala ka, baka iiyak na lamang ako sa sulok." Aniya
"Okey baby, much better ganyan, nandito lang ako sa tabi mo kung kailangan mo nang tulong,"
"Kinabukasan sa unibersidad, masaya ang mga piling kababaehan dahil nakatanggap ito ng mga imbitasyon, hindi na mapakali ang mga ito dahil ang iniisip ang bonggang nilang susuotin. Tahimik lang si Lyka nakamasid at nalulungkot naman siya dahil hindi naman siya makadalo sa magarbong okasyon. Hindi niya namalayan nasa tabi lang pala si Karina.
"Hey, why sad, like mo rin bang makapunta sa party, same pala tayo, taka nga ako bakit hindi ako imbitado, usually walang paltos ang pag-imbita sa akin," balita ni Karina. Biglang may tumawa sa kaniang likuran.
"Poor, Karina, hindi ka nakatanggap ng imbitasyon, laos na yata ang kagandahan mo, not like us, hindi nalalaos," sarkasmong pagkasabi at tumawa mga ito nang iwan sila.
"Tsk, akala nila naiinggit ako, nasa akin pa rin ang korona," patawang sabi ni Karina. " Mmm Lyka," tawag ni Karina sa babae.
"Ano yon, may plano ka na ba sa nobyo mo, I mean ex mo," hinang sabi ni Lyka.
"Yes, meron na, pero saka na lang yon, parang feel ko mag-gate crasher sa party na iyan para may exciting naman ang buhay ko, gusto mong ma experience, I am sure hindi ako mahindian ng host sa ganda kong ito, right?" payabang na sabi ni karina sabay kindat.
"Parang masaya iyang naisip mo, eh ako baka pagtabuyan ako doon," malungkot na sabi ni Lyka.
" Akong bahala sa iyo, ano silbi ng pera kung hindi magagamit, right? I want adventure," masayang sabi nito at nagtawanan silang dalawa.

BINABASA MO ANG
Salinlahi
TerrorMasakit malaman na isa kang ampon.Mas masakit malaman ang totoong dahilan.