Chap 10 Pagtatagpo

44 3 0
                                    


Tahimik ang silid, nakatingin lamang ang pusa sa abalang Karina na nagtitipa sa kanyang laptap. Bigla siyang nakarinig ng langitngit na  mula sa pinto, kabado man ay pinuntahan niya ang pintuan ng kanyang silid. Malaki-laki  din ang siwang ng pinto, niluwangan niyan ito at tiningnan ang labas, una ay sa kaliwang bahagi , walang katao-tao, sa bandang kanan wala din siyang nakitang tao, gulat na lamang siya may tumayo bigla sa kanyang harapan. Kaya napasigaw siya ng malakas.

"Nagulat ba kita, anak,pasyensya na ha? nahulog kasi itong folder hawak  kaya pinulot ko," hinging paumanhin ng kanyang ina.

"Yes, mom sobrang gulat, paano kasi bumukas ang pinto , kaya napapunta ako rito," aniya.

"Pinihit ko kasi siradora, eh saktong pagbukas ay nahulog ang folder, siyanga pala  baby, may pag-uusapan tayong importante." Sabi ng ginang , pinapapasok agad siya ni Karina at pinapaupo sa sofa.

Isang mahalagang bagay ang kanilang pinag-usapan. Tahimik lamang siya nakikinig sa kanyang ina pati ang pusa ay matamang nakikinig sa kanila.

"Malapit na pala matapos ang pasokan, kailangan ko bilisan ang mga dapat gawin, sige po mama iiwan mo lang iyang folder at pag-isipan kong mabuti mga dapat gawin." Sabi niya sa kanyang ina. Tumayo na rin ang ginang at nagpaalam sa kanya para matulog. Humalik muna sa pisngi ni Karina bago lumabas. Pagkasarado ng pinto agad  tiningnan ang laman ng folder at binasa ito ng maigi.

***

Ilang araw din naging abala si Karina sa mga ginagawang tesis, kaya hindi sila gaano nagkita ni Lyka. At ganoon rin si Lyka abala din sa mga proyekto nito. At ngayon si Karina ay nasa ibang departemento dahil doon makikita ang propesor kung saan ibibigay ang isang project. Kahit naiinis si Karina.Kasi masyadong demanding ang guro ay kailangan niyang  sumunod, sa di inaasahan sa kanyang pagmamadali ay may nabungo siyang isang estudyante kaya nahulog ang mga kagamitan nila. Humingi siya ng pasyensya sa babae.
Magagalit sana ito nang nakita siya ay biglang tumili pa ito sa galak.

"Miss Karina Samonte! , oh my god , nakita na rin kita sa malapitan." Masayang sabi ng babae dami pa sana itong sasabihin kaso nagmamadli din ito. Hindi pa nakapagsalita si Karina ay nagpapaalam na ito sa kanya na may saya sa mukha. Hindi talaga akalain ni Karina na ganoon siya kakilala sa kanilang university, sumali lang siya sa beauty pegeant at nakuha niya ang pinakamataas na titulo. Napaigting siya bigla at natauhan  sa malakas na tawanan ng mga babae. Habang tinatanaw niya ang babae kanina nakabangga ay naalala niya bakit ganoon na lamang siya ka kilala sa unibesidad.

Agad niyang tinungo ang silid kung saan ang guro, doon na lamang niya napansin may aklat siyang napulot na hindi sa kanya. Saka na lamang niya ito  isauli kung makita ang babae o may oras siya, dahil masyado siyang abala ngayon  dagdag pa yong pinapagawa ng kanyang mommy.

Mabilis ang kanyang lakad dahil hahabulin din niya ang isang propesor sa  kabilang departamento. Ito ang kanyang kinaiinisan tuwing pasahan ng mga proyekto, dahil masyado nagpapresyo ang mga propesor sa kanyan , pero hindi naman lahat ng mga guro ay ganoon meron namang mababit dahil naintindihan nila nng buhay estudyante. Sa kamamadali niya malapit naman siyang makabunggo buti a lang umiwas  yong naksalubo0ng sa kanyan at binanggit ang kanyang pangalan at doon pa sya natauhan, hindi niya kasi mawari masyadong okyupado ang kanyang isapan sa maraming bagay. Pagtingin niya sino tumawag ganoon na lamang ang kanyang kasiyahan na ang kanyang matalik na kaibigang si Lyka.

"Masyado ka namn abala Karina at wala ka naman sa sarili mo, samahan na ngakita baka hindi na tao ang mabangga mo kundi poste na." Nagpapasalamat si Karina sa kanyang kaibigan at tinungo nila ang  guro at binigay ang proyekto.

Iniimbitahan niya si Lyka kumain muna sila para makapahinga ang kanyang utak at sarili sa maraming iniisip na gagawin. Si karinan na mismo ang order ng kanilang makakain at habang abala ito sa pakipag-usap sa waitress at abala din sa pag-aayos ng kagamitan nila si Lyka para may malagyan ng pagkain ang mesa dahil pareho ilang amrmaing bitbit na gamit. Napatingin sa isang aklat si Lyka dahil parang may picture nakaipit sa libro kaya kinuha niya ito at tiningnan, nang nakita niya ay agad niyang tinanong si Karina.

"Kilala mo ba ang babaeng ito, Karina?" tanong ni Lyka, Kinuha ni karina ang picture at tiningnan, " Hindi ko iyan kilala sino ba iyan at saan mo kinuha yan?" aniya

"Dito sa aklat mong dala," sabay pakita sa libro, kinuha ni Karina ang libro at nag-isip saan galing ang librong hawak niya, hanggang naalala niya ito saan galing.

" Ah, yong babaeng nabangga ko kanina sa kabilang departmento, eh hindi ko naman alam na kuha ko ang aklat niya, saka ko na lang isipin isauli kapag may oras na ako para dito dahil sa ngayon masyadong hectic ang schedule ko." paliwanang ni karina sa kaibigan.

"Paalala lang , kung sakali gusto makipag kaibigan ang ababeng ito s aiyo , payo ko sa iyo ay iwasan mo siya dahil walang maiidulot na maganda sa iyo,"  paalalang sabi ni Lyka.

Pansin ni Karina na may alam ang kanyang kaibigan kaya tinanong niya ito at doon nilahad ni Lyka ang nalalaman niya , at doon nalaman ni Karina na hindi lang kakilala kundi pinsan niya ang babae kaso kaiba lang dahil nasusuklam si Lyka rito dahil sa masamang pag-uugali.  Naawa si Karina sa kwento ni Lyka , at hindi mo maiwasan kung bakit galit na galit si Lyka sa babae. masama talaga ang ugali, Gusto nito laging nakalaman sa kanya , makaibigan man o kasintahan ay inaagaw sa kanya, pati ang kanyang pamilya ay kinawawa nito.

"Gusto mo bang makalamang man sa kanyan kahit papaano, bilang kaibigan matutulongan kita, sa ayaw ko pa naman sa lahat lalo na malapit sa akin ayaw ko nasasakatan o inaapi. Turuan natin siya ng leksyon. Sa ngayon magpakasaya muna tayo at ako ng bahala mag-isip paano ka makaganti sa kanya.




SalinlahiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon