Chap 2 Aparador

119 15 52
                                        


Dedicated to @atascha032912  

 VP hawa-hawa na ito, subukan kong pasukin ang iyong mundo ng lagim sana mabigyan ko ng hustisya. Patnubayan mo sana ako sa akdang ito. Maraming salamat sa iyong mga tulong at bilang buang na kaibigan. 

****


Chap 2 Aparador

Tahimik ang paligid ang tanging maririnig ang ingay ng mga bagay na hinihila ni Karina para ilagay sa tamang pwesto. Masyado siyang abala sa paglilinis bigla na lamang may kumalabog sa loob ng aparador kaya napatingin siya dito. Kita sa kanyang mukha ang takot. Hawak hawak ang walis tambo , dahan-dahan siyang lumapit sa aparador. Nanginginig man ang kanyang mga tuhod at kamay sinikap pa rin itong buksan. At nang mabuksan , napatalon at sumusigaw sa takot. Malaking daga ang lumabas sa loob ng aparador. Nakarinig siya ng sigaw mula sa itaas mula sa kanyang pangalan.

"I'm okey mom, its just big fat rat!" sigaw niya para ipaalam na walang nangyari at ok. Isarado sana ang aprador pero may kumuha sa kanyang pansin isang garapon. Hindi lang maaninag ano ang nasa loob dahil puno ito ng alikabok. Napaigtad siya bigla dahil sa gulat biglang kasing may nagsasalita ang kanyang ina sa likuran.

"Pansin ko masyado kang nerbyosa sa araw na ito, are you okey?"

"Mom, naman kasi, bakit ka ba biglang nagsalita, at bakit nandito ka?" tanong niya.

Tiningnan siya ng kanyang ina at napansin ang kanyang hawak na garapon. "Bakit hawak mo iyan," kunot noong pagkasabi.

"Ah ito ba, nakita ko sa loob ng aparador, I think maganda itong pangdecor sa loob ng room ko, if you don't mind." Lambing niyang sabi sa kanyang ina.

"It's fine, bigay kasi iyan ng matalik kong kaibigan, pahalagahan mo iyan dahil importante iyan sa kanya. Sabi pa niya noon, kapag may anak siya ay ipamana niya ito, kaso namatay siya at sa akin na lang iniwan ang bagay na iyan at kung sakali daw may anak ako, ipamana daw iyan sa maging anak ko. Paano hawak mo na yan kaya pagkaingtan mo ng mabuti."

"I will mom, ingatan ko ito ng mabuti dahil galing ito sa matalik mong kaibigan." sagot ni Karina.

"By the way, dumating na yong pet na inoorder ko, pinakuha ko kay manong Karding sa pet shop. Si Manang na lang ang magpatuloy dito sa nakita ko sa iyo kailangan mong maligo dahil ang dungis mo, at kailangan mong alagaan ang new pet natin, magbonding kayong dalawa." Sabi ng ginang at sabay silang lumabas sa stockroom. Agad silang pumunta sa may terasa at nakita ni karina ang isang hayop sa kulongan.

"Cat?" tanong niya agad ng nakita ito.

"Yap, di ba like mo ang pusa,noong bata ka pa halos ayaw mong umalis sa pet shop dahil gusto mong iuwi ang pusa nagustoshan mo, kahit hiyang hiya na ako sa ginawa mo, if you could only pictured out anong itsura mo noon, sobra... humiga ka sa sahig at tumangis sabay nagwawala dahil gusto mong e uwi ang pusa." lahad ng ginang.

"What I did that crazy things, oh my gosh! Nakakahiya, hope walang nakaalala sa akin sa panahon na yon." hiyang hiya sa sarili nalaman ano pinagagwa niya. At nakarinig siya ng hagik-ik sa tabi, nilingon niya ito para malaman kung sino, si Mang Karding nagpipigil ang tawa. Kunot noo tinanong niya si Mang karding. Ang kanyang ina na mismo sumagot.

"Cause he's one of the witness sa ginawa mong kabaliwan noon." pangiting sabi ng ginang. "Alagaan mo iyan pusa na iyan, hindi ordinaryong pusa iyan, baby"

"What you mean?"

" Casue hindi siya pusang kalye, twenty thousand bili ko niyan kaya di ordinaryo maglutsay ng pera dahil lang sa pusa." Iniwan na siya ng kanyang ina dahil may pupuntahan pa itong meeting. Lumapit si Karina sa pusa at hinaplos haplos ang ulo nito at sa nakita niya nagustohan ng pusa ang kanyang ginawa.

"Dito ka muna ha,maliligo muna ako," paalam niya sa pusa biglang nagsalita ang may edad na lalake.

"Karina, sabi ng ina mo isama mo daw ito sa iyong silid, may pwesto na siya doon sa iyong silid inaayos namin kanina ni Maam." Magsasalita sana si Karina naisip niya wala na siyang magagawa. Kaya sinama na lang ang alaga hawak na ni Mang Karding at dala niya ang garapon nakita sa aparador. Pagkapasok nila sa kanyang silid nakita niya ang kinalalagyan saan ang kanyang alaga mananatili.

"Karina, ilagay ko lang ang alaga mo dito at sabi ni maam, ikaw na daw bahala magbigay ng pangalan." sabi ni mang karding sabay sarado ng pinto.Tiningnan ni Karina ang pusa nakatingin din ito sa kanya, na para bang binabasa siya ng pusa.

"Oy! Walang ganyanan kuting, mabait ako kahit may pagkamataray." sabi niya sa pusa.

"MEOW" tanging sabi ng pusa.

"Nyek, name mo MEOW?

"Meow"

" OMG! Nakipag usap ako sa hayop, nababaliw na ba ako, hayss I think makapagligo na baka matuloyan ako ngayong araw na ito. Nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo si karina para maligo.

Habang nagsasabon siya sa kanyang mata, pakiramdam niyang may tao siyang kasama na parang pinanood siyang maligo, dinilat dilat niya ang kanyang mata dahil puro sabon ito may naaninagan siya pigura sa labas ng shower room.

"Mom, are you there?" tanong niya at pilit pa rin niyang inaaninag habang binanlawan ang kanyang mukha para makita kung sino nasa loob ng bathroom, sa pagkaalala niya ay nilock niya ang silid. Binuksan ni Karina ang glass door ng shower room kung saan siya naliligo , pero wala siyang nakitang tao , pakiramdam niya kanina meron talaga at ang naaninagan niyang pigura ay babae. Ang tanging gawa na lamang ay binilisan ang pagligo at agad lumabas. Pagkalabas agad nakita ang pusa nilalaro ang garapon na pinagulong gulong sa sahig. Dali-dali nilapitan at pinulot ang garapon.

"Oy kuting, wag mong paglaruan ito magagalit si mommy sa akin kapag mabasag ang garapong ito, teka nga bakit nasa sahig na ito na dito ko nilagay sa kama ko." tanong niya sa pusa. Nakatingin lang ito sa kanya. "Hays whatta day." tanging sabi niya at nagbihis.


SalinlahiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon