deciated to my idol Morte
Idol.. miss na kita at miss ko na din mga gawa mo. basta lab ko ap rin si Morte kahit sino pa mga FC mo diyan , fanatic lang ni Morte po ako.
**.*
Chap 6 Bagong Kaibigan
Sa pamamasyal ng magkasintahan sa mall nakita naman nila ang grupo ng mga kababaehan na may binubully, sa lahat pa naman ayaw ni Karina may naapakan o nasasaktan. Kaya agad niya itong nilapitan kahit pinagsabihan na siya ng kanyang nobyo na hayaan na lamang ito pero hindi nagpapapigil si Karina.
"Babes, hindi maganda ang kanila ginagawa pinapahiya nila ang isang tao sa maramihan." Inis niyang sabi habang tinungo ang grupo at hinarap niya ito.
"Hindi talaga kayo nasisiyahan ano? pati ang pobreng babae ginawa ninyong laruan," galit niyang sabi.
"Look who's here, ang hampaslupang pilit maging social," pang-asar ng babae, pakiramdam ni Karina ito yong babae may gusto sa kanyang nobyo.
"Ako nagpumiliti maging social, oh bitch, back off! Tigilan ninyo ang pobreng babae na ito kung ayaw mong masira ang pagmumukha mo." Galit n'yang sabi.
" Please, pakiusap wag kayong gumawa ng gulo dito, Miss pakiusap wag mong galitin ang nobya ko, dahil totohanin niya ang kanyang sinasabi," nagmakakaawang sabi ni Noel sa grupo habang pinipigilan niya ang kanyang nobya. Inismiran nila si Karina at tinitigan ng masama. Hindi rin nagpapatalo si Karina sa kanila.
"We're not done yet, hampaslupa," salitang binitawan nila para kay Karina.
"Oh I'm afraid, bitch!" sabay hawak sa braso ng babaing sinalba sa grupo ng kababaehan. "Okey ka lang ba, Miss?" tanong sa babae.
"Kanina po hindi pero ngayon okey na ako, Miss Samonte,"sabi ng babae.
"Kilala mo ako?" takang tanong ni Karina.
"Sino naman po hindi makakilala sa iyo sa university, popular ka masyado lalo na sa iyong tanyag na kagandahan," sabi ng babae. Tinanong siya ni Karina ang pangalan ng babae dahil natutuwa siya dito at agad naman pakilala ang babae sa galak.
"Lyka po, Lyka Reyes, kinagagalak po kitang makilala at malapitan Ms. Karina Samonte." pakilala ni Lyka. Sumabat si Noel sa kanilang usapan.
"Babes parang pansin ko fan mo siya, parang kumikislap ang mga mata nakita ka at nalapitan," ani Noel.
"Sa katunayan po matagal ko gusto lumapit kay Miss Samonte kaso nahihiya ako dahil sa estado namin, baka mapahiya lang ako, gustong-gusto kong magpapicture sa kanya," hiyang sabi ni Lyka, napatawa ang nobyo ni Karina.
"Akin na celphone mo at kunan ko kayo ng idol mo," masayang sabi ni Noel. Napatawan na rin si karina at pinagbigyan naman niya si Lyka. Yumakap pa ito sa kanya sa may baywang dahil sa kasiyahan. Niyakap rin ito ni Karina na parang siyang artista. Niyaya na rin nila ang babae sumabay sa kanilang lunch. Makwento rin ito kaya nasiyahan si Karina sa kanya.
"Sa katunayan po kahit matagal na po ako dito sa manila, hindi ko gaano napasyalan ang mga malls o pasyalan, kasi nagtitipid , nakakahiya naman kasi sa mga magulang kong magwaldas ako ng pera, alam ko mahirap lang kami, nagpasalamat nga ako sa kanila dahil nakapag-aral pa sa unibersidad na pinapasukan ko." pahayag ni Lyka. Nasiyahan naman si Karina sa kanyang nalaman dahil pinahalagahan ng babae ang paghihirap ng mga magulang nito para lang makapag-aral siya sa mamahaling paaralan. Mapalad lang siya dahil may kakayahan ang kanyang mommy at kahit isa siyang ampo ,tinuring siya nitong isang tunay na anak, di na nga rin ito nag-aasawa muli dahil binuhos nito ang pagmamahal sa kanya. Laking pasalamat ni Karina na ganoon ito sa kanya kaya mahal na mahal niya ang kanyang nagisnang magulang.
Simula nagkakilala sila Karina at Lyka ay naging magkaibigan na mga ito, kapag may ginagawa ang kanyang nobyo ay ito ang kasama niya sa mga lakad. Isang araw iniimbitahan ni Karina si Lyka na pumunta sa kanilang bahay para doon magtanghalian at nandoon din ang kanyang mommy. Pinakilala niya ito sa kanyang mommy.
"Mom, si Lyka bago kong kaibigan." pakilala niya rito, nakatingin ang ginang sa babae na parang kinikilatis ito.
"Hi! Lyka, parang may kamukha ka hindi ko lang alam saan ko nakita, mmm maybe somewhere," ngiting sabi ng ginang.
"Mom, sa dami mo naman ka business baka isa sa kanila," patawang sabi ni Karina.
"Naku, maam, wala pong business mga magulang ko, na katulad ninyo na kayaman, ordinaryong tao lamang po kami, may sari-sari store at yong ama ko construction worker po sa aming probinsya." hiyang pagkasabi ni Lyka.
"Oh talaga, maybe yong face mo masyadong common ang feature kaya siguro may kamukha ka, sorry for that, so paano ready na ang table for our lunch, kaya doon na tayo magkwentohan." Yaya ng ginang at agad naman silang dumulog sa hapag kainan. Nagtatanong ang ginang sa kanilang bisita kung saan ito na katira at kung anu- ano pa ang mga tanong tungkol sa pagkatao nito at sa pamilya.
"Wow, maganda ang lugar ng hometown mo, baka pwede kaming magbakasyon doon I am sure may mga hotel na rin don," tuwang sabi ni Mrs. Samonte.
"Ano po maam, maliit lang po hindi gaano kaganda ang hotel doon parang bahay lang din," paliwanag ni Lyka.
"It's okey as long pwedeng matuloyan," ngiting sabi ni Mrs. Samonte, masaya silang kumain at marami silang napagkwentohan kung anu-ano. At pagkatapos ay niyaya ito ni Karina si Lyka sa kanyang kwarto, laking mangha ng makita ang sariling silid nito, kung basehan parang sakop na yata ang sala at kusina nila sa kanilang bahay sa probinsya.
Binigyan siya ni Karina ng mga damit na hindi na gaano niya ginagamit , pati mga sapatos at gamit pampaganda. Maiyak iyak si Lyka sa kanyang natanggap sa bago niyang kaibigan.
"Hindi ka lang maganda , ang bait mo pa Karina, mas lalo tuloy akong humanga sa iyo," masayang sabi ni Lyka.
"Sus naman wag mo na akong bolahin, halika make up-pan kita at ayosin natin iyang kilay mo at buhok," yaya ni Karina. Nahihiya man si Lyka ay pumayag din siya, idol na niya ang magpapaganda sa kanya tatanggihan pa ba niya ang oportunidad.
Sinuklayan muna siya at inaayos ang buhok nito, pinaplantsa para maging tuwid ang buhok, nilagyan siya ng kunting bangs para may art ang kanyang buhok sa harapan. Pagkatapos nilagyan ng headband na may laso. At saka na siya nilagyan ng make up sa mukha. Hanggang natapos pinaharap na niya si Lyka sa salamin. Napaiyak ito nang nakita ang sarili sa salamin hindi makapaniwala sa kanyang bagong anyo. Kahit man sabihin isang simpleng pagbabago ginawa ni Karina sa kanya. Niyakap nya ito at pinapasalamatan sa lahat ginawa para sa kanya, Malaking tulong na mga bagay na binigay sa kanya.
Pinuntahan nila ang ginang sa may hardin para magpapaalam , tinawag ito ni Karina, lumingon ang ginang sa kanila pero biglang napapasigaw si Lyka ng nakita ang ginang. Nanginig pa ito sa takot at napapikit.
"Lyka, anong nangyari," alalang sabi ng ginang sa dalaga.
"Wag ninyo akong hawakan," sigaw nito habang nakapikit.
"Lyka, ano bang nangyari sa iyo," tanong Karina at hinawakan siya nito.
"Multo!"
"Oy ano ka ba ,anong multo diyan nakakatuwa ka naman , malakas ang sikat ng araw may multo, my gosh, Lyka," patawang sabi ni Karina. Dahan dahan dinilat ni Lyka ang kanyang mga mata at tiningnan ang ginang, nakangiti ito sa kanya na may pag-alala.
"Yong mommy mo kasi palingon niya, sunog ang mukha at may dugo ang mga mata tapos tapos,,," umiyak na ito, kaya nagpakuha ng tubig ang ginang para mabawasan ang naramdaman ni Lyka.
"Bata ka ,baka naman mahilig ka ring manood ng horror movies tulad ng anak ko, wag ka na manood ng mga ganyan nasisira ang mga imahinasyong ninyo sa bagay na iyan, pati ako nasabihan mo ng multo sa ganda kong ito susme, maloka ako tapos sunog mukha ko, jusko ang mahal ng paBelo ko sa aking balat tapos sunog lang," patawang sabi ni Mrs. Samonte. Napangiti si Lyka sa kanyang narinig at humingi ito ng pasyesnha at ininom na rin ang tubig na bigay sa kanya. At nagpaalam na ito sa ginang.
Nasa loob na sila ng sasakyang paalis ng bahay,hindi nila namalayan na may isang pigurang nakatanaw sa umaalis na sasakyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/127521574-288-k592856.jpg)
BINABASA MO ANG
Salinlahi
TerrorMasakit malaman na isa kang ampon.Mas masakit malaman ang totoong dahilan.