Dedicate to You
**
Naitanong ni Lyka sa sarili kung siya ba talaga ang nasa salamin na kanyang nakikita dahil sa laking pinagbago,lalo na sa kanyang suot na night gown na pula. At si Karina naman ah kulay itim ang suot nito na mas lalo niya itong hinahangaan , hindi niya maintindihan ang kayang sarili kung bakit kay laki ng kanyang paghangan sa kanyang kaibigan. Kahit gawin siya nitong alalay aybokey lang sa knya basta makasama niya ito lagi at nakikita."Lyka, okey ka lang ba, kung lalake ka lang siguro tumutulo na ang iyong laway sa katitig sa akin." Pabirong sabi ni Karina.
"H-hindi naman, ang ganda mo kasi sobra, kung noon humanga ako sa iyong taglay na ganda, ngayon hindi ko alam ang naramdaman ko, sobra pa sa paghanga at pag-iidol, basta gusto kitang makasama at nakikita, ikinagagalak kong magiging alalay mo panghabang buhay." Madamdaming sabi ni Lyka na parang mangiyak-iyak sa pagkasabi,hindi niya kasi alam kung bakit ganon na lamang ng kanyang kagustohan mapalapit sa kaibigan.
"Masaya ako sa iyong sinasabi Lyka, sobrang flattered ako, di ko alam anong sasabihin, ang tanging masasabi ko yata ay maraming salamat sa iyong paghanga sa akin. Pero para kang baliw ,gusto mo maging alalay ko, pinapaaral ka ng iyong magulang tapos alalay lamang sa huli, pinapatawa mo ba ako doon." Patawang sabi ni Karina sa kaibigan.
"Totoo ang sinasabi ko Karina, masaya ako maging alalay mo, nababaliw na yata akl sa sobrang paghangan ko s aiyo, mas magada ka pa sa mga artistang nakikita ko sa sinehan o telebesyon," ani lyka.
"Ewan ko sa iyo Lyka wag mk na akong bolahin pa, tara na, it's showtime, excited na akong maggi-gate crasher." Aniya na may kasiyahang nadarama. Kabaliktaran naman kay Lyka dahil ninerbyos ito bak palayasin siya sa lugar na yon. Napansin ito ni Karina at hinawakan ng kamay nito.
"Don't worry sasabihin kong kasama kita dahil ikaw ng aking secretary," paniguradong sabi ni Karina.
Sa lugar na pinagdausan ng okasyon makikita sa kapaligiran ang mga kababaehan ay maganda ang kasuotan ang iba ay nagyayabangan ss mga suot at sinong designer ang gumawa.
Sabay dumating ang grupo ng kababaehan at isa-isa silang nagbigay ng kanilang imbitasyon sa nakatuka sa may entrance ng bulwagan. Nagtataka sila dahil may sumalubong na Usher na lalake sa kanila. At binati silang lima.
"Oh, bakit may boylet na sumasalubong sa amin," takang tanong ni Cecilia na siya ng lider sa grupo ng kababaehan.
"Ma'am mga VIP po kayong bisita kaya kailangn istemahin ng mabuti, yon po ang bilin sa amin ng host ng party na ito."Paliwanag ng lalake . Sa narinig nila mula sa bibig ng usher ay inayos nila ang knilang sarili at taas noong lumakad sabay kembot. Tinuro ng usher ang daan kung saan sila pupunta.
Habang nagsasaya ang mga kababaehan, ang grupo naman nila Noel at may pinuntahang okasyon.
" Buti na lang nagkataon may party ang aking pinsan, at mag-eenjoy tayo nito lalo dahil may iniimbitahan siyang mga chika babes na ang seksi, pool party kaya maraming hot babes." Payabang nasabi ni Noel.
"Tol, kapag ganyan pa naman may maghuhubad diyan, oy basta walang pakialaman ha, walang sumbongan."sabad ng isang lalake, thumbs up lang sagot nito sa kanya kaya nagtawanan mga ito.
Pagkarating nila sa lugar saan, nakangiting demonyo ang grupo dahil halos walang saplot ang mga babae sa suot na bikini, parang nagtitipid ng tela sa two piece na suot. Hindi matawaran ng kaseksihan ng mga ito at ang mga besitang lalake di rin nag papahuli sa kamachohan.
"Lets party," sigaw ni Noel, at kanya kanya na silang galaw.
Sa kabilang dako ng kasiyahan ng mga kababehan, sina karina at Lyka ay nakapasok ,kaya anong tuwa nilang dalawa. Nagawa din nila ang maggate crash. Tuwang-tuwa si Lyka dahil nakukuha sa karisma ni Karina ang receptionist na lalake parang na hipnotismo ito sa gandang taglay ng kanyang kaibigan.
Habang ang limang babae ay nasa isang probadong silid at may sariling waiter at may sumasayaw na macho dancer sa entablado. Lumapit pa ito sa kanila at naglap dance bawat isa sa mga babae. Panay pang-aakit ang gawa sa kanila ng macho dancer.
Sa labas naman ng bulwagan ay biglang may nagsasalita , hindi nila ito nakikita ,naririnig lamang nila sa mga naglalakihang speaker. Parang pa misteryoso ang pakulo sa engrandeng okasyon.
"Good evening everyone, I'm Madam Claudia, your host. Gracing tonight's event is a fantasy nspired group. Let's put our hands together for the Encatadia , the stage is your. So brace yourselves and enjoy the show."
Biglang may lumabas na usok sa buong kapaligiran kaya napapaWow ang mga bisita at sa ere naman may mga babaeng nakasakay sa isang bilog na metal at nagsaboy ng konpeti na may kumikinang na glitters. Naglalabasan ang mga maladiwatang kababaehan at nagubuga ng bubbles kaya puno ng bubbles ang paligid. Sa kalangitan ay nagkikintaban na parang bituin ang fireworks.
Si Karina ay nawalan ng gana sa nakikita kaya agad niyan tinawag si Lyka para samahan siya sa powder room.. Agad naman itong tumugon sa kanya at tinungo agad nila ng silid.
"Ano ba yon ,akala ko ang kasiyahan n ito ay para sa mga social lamang, eh party ng mga bata nandito. kung ano-anong pa effects pa ginagawa. Sayang lang yong ganda natin pinghandaan pa naman eh nahulog lang sa wala. Anyways nag-eenjoy ako kanina sa pagpasok ,paggate crash natin at least we tried at ito tayo ngayon." Pangiting sbi ni Karina habang inaayos nila ang kanilang sarili at nagkwentohan muna sila sa loob dahil sa usyame sa nangyayari sa labas.

BINABASA MO ANG
Salinlahi
HorrorMasakit malaman na isa kang ampon.Mas masakit malaman ang totoong dahilan.