Dedicated to searchandrescue
Manang , salamat sa lahat kahit laki ilong mo , salamat pa rin sa pagpektus sa akin kapag may ginagawa akong kapilyahan. Wala eh ganoon talaga ang mga cute. charot. May bebe ka na alagaan mo muan si gabiik mo.
***
Chap 4 Ang katotohanan
Nasa loob ng kwarto ng kanyang ina si Karina, nakaupo sa may sofa dahil may pag-uusapan silang importante. Nakatingin lamang siya sa kanyang ina abala sa paghalungkat sa vault di niya alam kung ano ang mahalagang bagay kinukuha nito at bakit ganoon na lamang ka importante sila ay mag-usap. Nakatingin lamang siya sa kanyang ina hanggang may nilapag ito sa mesa. At may kinuhang folder at binigay kay karina.
"Ano man ang iyong natuklasan anak, tandaan mo mahal na mahal kita, at pinapangako ko sa iyo nandito lang ako sa iyong tabi." maiyak-iyak ansabi ng ginang. Nagtataka man si Karina sa sinabi ng kanyang ina , binuklat niya ang polder may lamang dokyumento. Nakakunot ang noo ni Karina habang binabasa ang laman ng papeles. Hanggang natapos ito sa pagsuri at tumingin sa kanyang ina nasa harapan na umiiyak.
"I don't care who are they,hindi ko sila kilala. You are my mommy, the best mom I ever had. At wala akong balak hanapin sino man sila sa buhay ko. Ang importante ikaw at ako. Hindi sila kasali sa bukas ko." Madiing sabi ni Karina. "Binigay nila ako sa iyo, It means they don't like me or love me. Period!"
"Thank you, baby, masaya ako sa sinabi mo at ramdam ko ang pagmamahal mo sa akin. Pasyensya ka na at ngayon ko lang sinabi sa iyo, gusto ko kasing dumating ang tamang panahon para maisabi ko ang lahat lahat. So this is the right moment para maisabi ko ang lahat sa iyo." lahad ng ginang.
"Its fine mom, tama lang yang ginawa mo, sa ganitong edad mo sinabi sa akin dahil maintindihan ko na ang mga sasabihin mo sa akin. Aamin ko I'm spoiled by you pero may limit din yon and me myself have limitations."
"Ah baby, may sasabihin din ako sa iyo about sa magulang mo, kailangan mong makinig ng mabuti."Ani Mrs. Samonte. Sinimulan niya ang pagkwento sa buong pangyayari paano napunta si Karina sa kanya. Mahabang oras din ang kanilang seryosong usapan. Hanggang ito ay natapos. Tahimik lang si Karina pagkatapos narinig ang lahat lahat. Tumayo ito at pumunta sa veranda para lumanghap ng sariwang hangin. Tumingala sa langit at pinikit ang kanyang mag mata, tahimik lang nagmamasid ang ginang kung ano ang maging reaksyon ng nalaman ang katotohanan. Kita niya itong humikbi hanggang lumakas ang pag-iyak. Nagmumura ng maluntong. Pinabayaan lang ng ginang ang kanyang anak, hanggang tumahimik na ito at kita niyang pinunasan ang mga luha, huminga ito ng malalim saka bumalik sa kanyang harapan.
"Mom, gusto ko magshopping pwede mo ba akong samahan," lambing na sabi sa kanyang ina. Ngumiti ang ginang kilala niya ang anak , shopping ang outlet para mawala ang iniisip.
"Sure baby, I told you mommy is always beside you." ngiting sagot sa kanya kaya agd nagbihis ang mag-ina at sinabihan si Mang karding na ipagdrive sila sa mall dahi magshoshopping.
Pagdating sa mall kung anu-ano ang mga pinamili ni Karina hinayaan lamang siya ng ginang. Hanggang may nakasalubong sila grupo ng kababaihan na may kasamang mga lalake. Tiningnan lang ito ni Karina at nilagpasan.
"Sino sila anak, alam kong kilala mo sila," tanong ng ginang.
"They are just a cheap bitches in our university mom, di nila ako kaya because Im more than beautiful than them. I'm the queen bee of the university, kaya ganoon na lamang sila ka insecure sa akin. Wala akong pakialam kung mas mayaman sila sa atin basta I still own the crown." evil laugh ang gawa ni Karina habang nagkwento sa ginang.
Napailing na lang ang ginang dahil hindi talaga maiwasan na may kompitisyon sa larangan ng kagandahan sa unibersidad. Bonding na rin nila ang pagshopping dahil matagal na panahon din silang hindi nagsama magshopping ng kanyang anak. At nang napagod an sila ay nagyaya ang ginang an kumain sa isang kilalang restuarant. Kanya -kanya silang order akala mo ang dami nila. Habang naghihintay sa kanila inoorder na pagkain. Nagsalita mulit si Karina tungkol sa kanyang nalaman.
"Saka na ako magpakita sa kanila mommy , hindi ko pa kayang humarap ngayon, kailangan ko munang ihanda ang aking sarili, yoko pong umiyak sa kanilang harapan." paliwanag niya.
"Nandito lang ako anak, sabihin mo lang sa akin anong maitutulong ko sa iyo, lalo na darating ang panahon na haharapin mo sila. Hindi ko pala nasabi sa iyo na may kapatid kang babae at pareho kayong unibersidad pinapasokan. Baka gusto mong makilala siya bigyan kita ng picture."
"Saka na siguro mom, pag-isipan ko pa, alam mo naman nasasanay ako na mag-isa walang kapatid. Bahala na saka na ako mag-iisip tungkol sa kanila. Sasabihin ko lang sa iyo." paliwanag ni Karina sa ina.
"Sige anak, basta nandito lang ako, okey," sabay hawak sa kamay ng dalaga at ngumiti ito sa kanya. " I love you mom," sabi nito.
Masaya silang kumain sa kanila inorder na pagkain ang iba ay tini-take home nila para sa kasambahay. At binilhan din nila ito ng mga pasalubong dahil matagal-tagal din na hindi nila ito nabilhan ng mga kagamitan pang personal tulad ng pabango at mga bagay-bagay.
Tinawagan ng ginang si Mang karding na magpapasundo na sila dahil tapos an silang nagshopping at marami din silang bitbit kaya kailangan nila ng tulong. Sinabi rin ng ginang na si Mang Karding ang tumayong ama ni Karina noong bata pas iya tuwing kailangan sa paaralan ang magulang. Taos pusong nagpapasalamat si karina kay Mang karding sa ginawa sa kanya hanggang ngayon. Isang mabuting bata si karina pinalaki ito ng tama kahit mansabihin mataray at suplada siya sa school, yon ay panlabas lamang. Mabait siya sa loob ng bahay at sa mga kasamahan nito. Yon ang tinuro ng kanyang ina sa kanya para hindi siya masasaktan sa labas ng bahay.
Oras ng tulog ni karina wala siyang naramdaman kahit ano kaya matiwasay ang kanyang tulog buong gabi. At ang pusa ay nakatingin lang ito kung saan mahimbing ang tulog ni Karina.
BINABASA MO ANG
Salinlahi
KorkuMasakit malaman na isa kang ampon.Mas masakit malaman ang totoong dahilan.