Chap 11 - Panaginip

72 3 1
                                        


Nasa labas ng balkonahe si Karina sa kanyang kwarto, nakatingin sa madilim na kalangitan at nag-iisip, bigla na lamang siyang napaigting dahil biglang nagsasalita ang kanyang ina.

"Malalim yata ang iyong iniisip anak, baka gusto mong ibahagi sa'kin iyan at malay mo makatulong si mommy sa nag-agam-agam sa iyong isipan." Sabi ng kanyang ina habang nilagyan siya ng shawl sa balikat. " Malamig na ang gabi baby, baka siponin ka,"ngiting sabi nito sa kanya. Humarap si Karina sa kanyang ina at napabuntong hininga siya.

"Yong kaibigan kong si Lyka, gusto ko siyang tulongan, hindi ko alam kung tama ba ang salitang paghihigante, nakakaawa kasi siya mommy, imagine sarili niyang ka dugo ang nang-alipusta sa kanila. Yong nalamang ko ang kanyng kwento, kumukulo ang dugo ko sobra." Inis pagkalahad ni Karina sa kanyang ina ang kwento ng kanyang kaibigan.

"Pansin ko nga anak sa kwento mo lang parang kakainin mo sila ng buhay. Anong balak mo, ano ba gustong mong mangyari, sabihan mo lang ano maitutulong ko, I'm always here and beside that people need to feel their karma. By the way, yong sinasabi ko sa'yo, ano ang gagawin mo doon." Tanong ng ginang sa kanya.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Karina bago ito nagsasalita. " First unahin natin yong sa kaibigan ko then the other problem to be followed. First step be friend that bratty girl, I think, kapag maging fake friend ko na siya, sunod-sunod na mga plano." Aniya at yumakap ito sa ginang, "paano na lang kung wala ka sa buhay ko mommy, baka hindi ko kakayanin ang lahat na ito. Thank you very much mom, ang swerte ko dumating ka sa buhay ko. Ang bait pa rin ng kataasan sa akin."Hinalikan niya ang kanyang ina, at nagyakapan mga ito. Nagkwentohan pa sila bago umalis ang kanyang ina sa kanyang silid.

Sinugurado muna ni Karina ang pinto sa balkonahe at mga bintana kung nakasarado mga ito, bago siya pumunta sa kanyang higaan para humiga. Lahat nakasarado ngayon nasa kanyang higaan na siya, hindi pa dinalawa ng antok at nakatingin pa sa kisame, hanggang nakarinig siyang, tinawag ang kanyang pangalan sa labas ng kwarto kaya agad siyang tumayo at lumabas ng kanyang silid at tinungo ang silid ng kanyang ina, nang nasa pintuan na siya ng pinto,napatingin sia sa may hagdanan dahil nasa baba nanggaling ang tumawag sa kanya kaya tinungo niya ito. Nakalabas na lamang siya ng kanilang bahay sa kahahanap sa boses, hanggang natuon din niya ang tumatawag. Nasa isang upuan ito naka upo, ngumitin ito sa kanya at nilahad pa ang kamay na parang pinapapunta siya sa kinaroroonan nito. Ngumiti rin si Karina sa babaeng tumawag sa kanya at lumapit siya rito.

"Magandang gabi po, may kailangan ba kayo sa akin,"tanong niya sa kaharap hindi niya magawang magalit, pakiramdam nya, ang gaan ng kanyang loob sa kanyang kaharap lalo na kapag ito ngumiti at parang pamilyar sa kanya ang mukha.

"Ito, para sa iyo, matagal na kitang hinintay at gustong makita, at ngayon sa wakas nakita na rin kita , hinog na ang bungang iniingat-ingatan ng lahat, tandaan mo mahal ko, nandito lang kami kaagapay sa lahat ng bagay. Pagkaingatan mo ang bagay na ito." Sabi ng babae habang inilagay sa palad ni karina, napag-igting bigla si Karina dahil mainit ang bagay na nanilaagay sa kanyang palad, kulay itim at bilog at sinabihan pa siyang lunokin, wala siya kayang sarili ay sumunod sa sinabi ng mahiwagang babae, hirap man niyang lunukin pero pinilit pa rin. At nang malunok na ang bagay ay bigla na lamang siyang nanigas, napatingin si Karina sa babae, nakangiti lamang sa kanya ito na kay tamis, hindi alam ni Karina ano ang gagawin dahil hindi niya maikilos ang kanyang katawan, kahit boses niya ay walang mailabas, bigla na lamang siyan umikot papunta sa ere, habang nakaikot sa ere ay nakadipa ang kayang dalawnag kamay na parang tanggap niya ano man ang nangyayari sa kanya.

May maitim na usok na bumabalot kay Karina habang ito'y umiikot sa ere. Ang kalangitan na binalot ng kadilim sa gabi ay parang nagkasiyahan dahil nagpapalakasan ang tunog ang kulog at naglalabasan ang malalakas at naglalakihang enerhiya ng kidlat.Lalong lumaki ang mata ni Karina sa kanyang nakikita hindi niya mawari ano ang nagdatingan, mga kaluluwa papunta sa kanya at sumabay sa pag-ikot sa maitim na usok, marami siyang naririnig na boses na hindi niya maintindihan. Natatakot nasa siya sa kanyang nasaksihan, sinikap niyan sumigaw humingi ng saklolo, pero walang boses na lumabas,pinilit niyang ikilos ang kanyang sarili kahit sabihin nakadipa ang kanyang dalawang kamay. Sa pagpumilit at pagsisikap makasigaw ay nakasigaw siya ng malakas sabay paghulog niya. Isang malakas na kalabog ang maririnig sa loob ng kwarto. Napadaing si Karina sa kanyang naramdaman. Tiningnan niya ang buong silid , nasa maayos ang kagamitan walang nangyayaring kagulohan. Isang panaginip lamang pala ang lahat, napatingin siya sa pusa nakatingin lamang sa kanya.

"Ano tinitingin-tingin mo diyan, kita mong nahulog ako, siguro tumatawa ka sa nangyayari.Hmp! Pero ang sakit ha?" inis niyang sabi sa pusa. Tumingin si Karina sa may bintana, makikita ang bilog na buwan na tanging nagbibigay liwanag sa kadiliman, bigla niyang naalala ang katagang, "hinog na ang bungang iniingat-ingatan ng lahat, tandaan mo mahal ko, nandito lang kami kaagapay sa lahat ng bagay."

Napailing na lamang siya sa kanyang naalala sa kanyang panaginip, bumalik siya sa kanyang higaan at matulog muli, binalewala niya ano man masamang panaginip na panaginipan niya kanina. Ilang minuto lang naging mahimbing na ang kanyang tulog. Pero ang kanyang kasamang pusa ay nakatingin sa kanya na parang binabantayan sya sa mahimbing niyang tulog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SalinlahiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon